Chapter 21

187 15 4
                                    

"Sorry! Haba ng pila sa C.R." I said and sat in front of Takashi. 

Nakatingin lang sa akin si Takashi habang pinagmamasdan niya bawat kilos ko pati paghinga yata inaalam niya. 

"Ang ganda mo." Pangalumbaba ni Takashi at saka siya ngumiti sa akin. "Ang ganda mo rin sa outfit mo." Pahabol niya pa.

"Thanks! It's comfy." Ngiti ko sa kaniya sabay kuha ng churros. 

"You can wear everything you want when you're with me kasi marunong naman ako lumaban incase someone will catcalling you. And, besides it's your freedom to wear everything you like, I don't want you to feel insecure or nasasakal dahil lang sa susuotin mo sa araw-araw." Ngiti sa akin ni Takashi. 

Lord? Ito na ba ang sign? Ang swerte ko naman po sa lalaking 'to hindi pa kami pero may pa sweet message na. Naiiyak ako sa tuwa na nakilala ko 'to. 

After naming kumain at maglampungan sa mesa, sinakyan na namin yung ibang rides na hindi pa namin nasasakyan at ngayon, nasa ferris wheel na kami ineenjoy ang view sa taas habang hawak-hawak ni Takashi ang kamay ko. 

"Takashi, picture tayo!" Tawag ko sa kaniya. Kinuha ko yung cellphone ko at saka ko tinutok sa aming dalawa.

Nilapit ni Takashi konti ang kanyang ulo sa braso ko para masakop siya sa camera.

"1...2...3..." 

Pagkasabi ko nang 3 bigla akong hinalikan ni Takashi sa pisngi. Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin. Nararamdaman ko yung init ng pisngi ko sa pula.

"Sa cellphone ko naman tayo magpicture." Nilabas niya yung cellphone niya at saka niya tinutok saming dalawa yung cellphone niya.

Bawian ko nga 'to hindi pwedeng ako lang may ganun sa gallery ko.

"1..2..3.." Bilang ni Takashi

Pagka 3 bigla kong hinatak ang mukha niya sa mukha ko para idiin ang malalambot niyang labi sa labi ko habang nakangiti. Lumayo ako sa kanya ng kaunti at saka ko siya nginitian. 

"Nakabawi rin." Asar ko sa kanya. 

Tinawanan ko siya kasi hanggang ngayon tameme pa rin siya sa ginawa ko. Nginitian niya ako at saka niya tiningnan yung cellphone niya.

"Patingin ako." Siniksik ko yung sarili ko sa kaniya para tingnan yung cellphone niya.

Wallpaper niya agad yung picture naming dalawa, ibang klase talaga 'tong si Takashi. Syempre, hindi rin ako papatalo at winallpaper ko rin ang picture naming dalawa. 

"Salamat, Takashi." sandal ko nang ulo sa balikat niya.

Dinadama ko yung bawat oras na magkasama kaming dalawa, lalo na ngayon kasi memorable itong araw na 'to. 

"Para saan?" Tanong niya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Kasi dinala mo ako rito, nag-enjoy ako nang sobra-sobra ngayon." Sabi ko. 

"Wala 'yon, basta ikaw. Ikaw lang naman gusto ko at ikaw lang din ang gusto kong makasama sa ganito, sa susunod sa iba naman tayo." Sabay haplos niya nang buhok ko at hinalikan ito.

Sa sobrang dami naming ginawa, hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa motor niya habang nagddrive siya, feeling ko tuloy nahirapan siya magdrive kasi inaalalayan niya ako habang nagddrive siya.

Nang makarating kami sa bahay, saktong mag aalasdose na nang gabi. Bumaba ako sa motor ni Takashi at saka ko siya hinarap.

"Salamat ulit. Ingat ka pauwi ah?" Ngiti ko at sabay halik sa pisngi niya.

"Nakakadalawa ka na ah." Tawa niya. "Pumasok ka na, aalis na ako kapag nakapasok ka na. Magtetext din ako sayo kapag nakauwi ka na." 

Naglakad ako sa gate namin at saka ako pumasok. Kumaway ako sa kaniya at kumaway din siya pabalik sabay flying kiss pa.

Dumeretso ako sa kwarto ko para mag shower at magpalit nang pantulog. Hahantayin ko muna si Takashi bago ako matulog. 

Mga ilang minuto kong paghihintay sa kaniya at saka ako nakareceive nang text.

1 message notification.

Takashi: 

Nakauwi na ako, mahal ko. Matulog ka na. 



I left a note; Mitsuya TakashiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang