Chapter 26

151 11 18
                                    

Nagpaalam ako kila Mana at Luna na pupuntahan ko ang Kuya nila at pumayag naman sila. Pumunta ako sa kusina nila at wala siya doon, kaya naisip ko pumunta sa veranda nila.

Nakasandal si Takashi sa railings ng veranda nila habang hinihipan ng hangin ang buhok niya. Nakasuot siya ng sando at boxer habang pinagmamasdan niya yung tanawin sa labas. Hindi ka ba nilalamig?

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at nag signal na lapitan ko siya na ginawa ko rin naman.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Mali, ako dapat magtatanong niyan. Bakit?" Balik tanong niya.

"Eh kasi, akala ko tayong dalawa lang ngayon, tapos hindi mo sinabi na dito rin sila Mikey, sana hindi ako nagbiglaang sleep over." Singhal ko.

Sumandal ako sa railings ng veranda habang siya tumatawa sa gilid. Nakakainis naman 'to! Bakit mo ko tinatawanan? Kita mo yang paso niyo? Hampas ko sa'yo yan.

Nang matapos na siyang tumawa, niyakap niya ako mula sa likuran at humagikgik ulit siya.

"Bakit ba? Tawa ka nang tawa!" Singhal ko ulit.

"Love, kaya nandito sila kasi magcecelebrate kami ng anniversary ng Toman and napagusapan naming last year na sa bahay naming magcecelebrate." Mahinhin niyang sinabi.

Sinubsob ni Takashi yung mukha niya sa leeg ko at nararamdaman ko yung paghinga niya sa leeg ko. My spine shivers from his breathe.

"Bakit hindi mo sinabi?" Mahinahon kong tanong.

"Kasi, hindi ka nagtatanong." Sagot niya.

"Sorry. Akala ko naman kasi may iba kang plano." Lumbay kong sabi.

"Ok lang love, next time magtanong ka muna bago ka magalit. Kasi nababaliw ako kakaisip kung may ginawa ba akong mali o ano." Mahinahon niyang sinabi.

"Yes, love. Magsosorry din ako sa kanila." Sagot ko sa kaniya.

Umamba akong aalis sa pagkayakap niya kaso mas hinigpitan niya pa yung yakap niya sa akin. Kaya wala na akong nagawa, nag cuddle kami sa veranda nila. Favorite spot na namin 'to.

"Sorry! Akala ko nag gate crashed kayo ngayon, hindi ko alam na anniversary pala ng Toman." Yuko ko ng ulo sa kanila.

"Ok lang yon! Kaso may kapalit." Sagot ni Mikey. Tiningnan ko siya na nagtataka.

"Lalagyan mo kami ng face mask lahat. Skin care routine!" Sigaw ni Mikey.

Nilingon nila si Mikey na hindi mapakaniwala habang ako naman nakangiti ng bonggang bongga sa saya.

"Totoo?" Nakangiti kong tanong.

"Oo nga. Ewan ko lang sa kanila." Nilingon niya sila Draken.

Nilingon ko sila Draken, nagpacute pa ako para effective.

"Tangina mo Mitsuya, kung hindi mo lang jowa 'to nahalikan ko na 'to." Pikon ni Baji.

"Subukan mo, sasaksakin kita tingnan mo." Balik ni Takashi.

In the end wala silang nagawa dahil pinilit ko sila. Lahat sila naka face mask ngayon, si Mikey tinalian ko ng double ban. Si Takashi, nilagyan ko ng headband sa ulo habang nilalagay ko yung facemask kanina pa siya galaw ng galaw.

"Ang harot mo, bubuhos ko sa'yo 'to tingnan mo." Pagbabanta ko sa kaniya.

"Kiss mo na lang ako." Banat niya.

Naramdaman ko yung init sa pisngi ko. Unbelievable! Nagawa niya pang bumanat habang finafacemask.

"Ikikiss kita kapag maayos yung face mask." Offer ko.

"Deal." Sagot niya.

"Anong kiss? Untog ko kayo parehas." Singhal ni Mikey sa kabilang side ng sala.

Binelatan ko siya at inirapan naman niya ako.

Matapos ko malagay yung kay Mitsuya, pinakita ko yung salamin para tingnan niya. Ang cute niya! Bunny head band with face mask. Skin care with baby.

"Saan na kiss ko?" Tanong niya.

Nilapit ko yung mukha ko at saka ko kiniss yung lips niya. Hindi pwede sa cheeks kasi may face mask baka makain ko.

"Isa pa hindi ko naramdaman." Hirit ni Takashi.

"Ito para maramdaman mo." Pinakita ni Mikey yung kamao niya.

Tinawanan ko siya, kahit kailan si Mikey mahigpit sa mga jowa. 

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now