Chapter 29

142 11 0
                                    

Kakaalis lang ni Takashi sa bahay, at hindi ko namalayan na nagssnow pala. Sa sobrang tagal kong hindi lumabas sa kwarto ko, hindi ko na napapansin kung anong nangyayari sa labas.

"Ma. Labas ako, nagssnow eh." Paalam ko sa kaniya.

Hindi ko na hinantay yung sagot niya kaya dumeretso na ako sa kwarto ko para magpalit na binigay sa akin ni Mikey na Tokyo Manji Gang jacket at saka yung ginawa sa akin ni Takashi na scarf at lumabas.

Grabe ang lamig. Kung nandito lang si Takashi, naglalakad kami sa snow ngayon at gumagawa kami ng snow angel. Wait. Itext ko siya and sa labas kami nila maglaro kasama mga kapatid niya.

Takashi! Nagssnow, gawa tayo snowman saka snow angel kasama sila Mana at Luna.

Habang hinahantay ko yung text niya, nagpasya muna ako maglibot-libot kung saan-saan, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa park. Nakita ko sila Takemichi, Chifuyu at may kasama silang iba sa malayo.

"Takemichi! Chifuyu!" Sigaw ko sa kanila habang kinakaway kamay ko. Tumakbo ako papunta sa kanila at nakita ko na inaakay nila yung kasama nila.

"Y/N" Gulat na tawag sa akin ni Chifuyu.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko habang inaalalayan si Chifuyu na ipaika-ika.

"Binugbog kami, hindi naming kilala yung gang. Papunta na sila ngayon dito." Sabi nung kasama ni Takemichi.

"What do you mean?" Tanong ko.

Hindi ko naiintindihan, hindi nila kilala yung gang pero binugbog sila? Bakit? Bakit kinakabahan ako.

"May tatlong lalaki na lumapit sa amin sa train station tapos tinanong kung kami ba yung Tokyo Manji Gang. Sinagot namin siya na oo, tapos bigla nila kaming pinagsusuntok. Si Takemichi pinatakbo namin para sabihin kila Mikey, tapos si Chifuyu naiwan para pigilan sila." Explain nung nakasalamin.

"Nasaan na sila?" Tanong ko kay Chifuyu.

"Hindi ko alam. Pero, ang alam ko pupunta na sila rito." Sagot ni Chifuyu.

Naramdaman ko yung vibrate sa phone ko sa bulsa ko. Binababa ko muna si Chifuyu sa swing at saka ko tiningnan yung tawag. Draken calling...

Hindi naman tumatawag sa akin si Draken ah? Pero bakit kaya? At mukhang hindi maganda pakiramdam ko sa tawag sa akin ni Draken.

"Hello" sagot ko.

"Y/N. Si Takashi nasa hospital." Sagot niya sa akin.

"Wag kang magbiro Draken baka hindi kita matansya." Sigaw ko sa kabilang linya.

Narinig ko yung buntong hininga niya at napatingin sa akin sila Takemichi at Chifuyu.

"Hindi. Nandito kami ngayon sa hospital, pati sila Angry nasa hospital binugbog sila. Itetext ko kung saang hospital." Frustrate na sagot ni Draken at saka niya binababa yung tawag.

Ilang oras ako natahimik at iniisip kung sino yung nasa hospital. Takashi nasa hospital? Bakit? Diba pauwi na siya? Paano?

"Y/N." Tawag sa akin ni Takemichi.

Nilingon ko siya, hindi ko namalayan na bumubuhos na pala yung luha ko kanina pa.

"Si Takashi, nasa hospital daw pati si Angry binugbog daw sila." Hikbi ko.

Agad kaming pumuntang pito sa ospital para puntahan sila Draken. Hindi ako mapakali kakaisip bakit siya binugbog at anong dahilan?

Nakita ko si Takashi sa hospital bed na mahimbing tulog, may bandage siya sa ulo at may yung paa niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang bumubuhos ang mga luha ko. Umupo ako sa tabi niya at saka ko hinawakan yung kamay niya.

"Takashi." Basag boses kong tawag.

Naramdaman ko na may nagtatahan sa likod ko.

"Sino may gawa sa'yo nito?" Basag boses kong ulit na tanong.

"Halos iisa lang yung gang na nakasuntukan nila Takemichi at bumugbog kila Angry at Takashi. Mamaya paguusapan namin mamayang gabi sa meeting." Sagot ni Draken sa tanong ko.

Nakatulala ako sa mukha ni Takashi na puro pasa at sugat dahil sa suntok habang hawak-hawak ko yung kamay niya. Nararamdaman ko yung kulo ng dugo ko sa galit kung sino man gumawa nito. Pagbabayaran niya yung ginawa niya hindi lang kay Takashi pati na rin sa buong Toman. 

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now