Chapter 27

153 13 3
                                    

play your study playlist while reading this chapter

-------------------------------------------------------

I haven't left my room 3 days straight. Nakakain ako kasi lagi along binibista ni Takashi at dinadalhan niya ako ng pagkain or binibilhan niya ako. Ang dami kong projects na on going and last na yung ngayon kaso sobrang hirap naman. Home economics. Kailangan namin mag crochet ng kahit anong gusto namin then ippresent sa class. Ito ako ngayon, kahit papaano nakakagawa na ako ng maayos. Gusto ko kasi dinosaur gagawin ko.

Nagvibrate yung cellphone ko habang ginagawa ko yung dinosaur crochet, nasa kalahati naman na ako for sure matatapos ko na 'to ngayon.

Binuksan ko yung cellphone ko at nakita ko yung message galing kay Takashi.

I'm coming over. Love you.

Napangiti ako sa text ni Takashi. Kahit kailan talaga, walang araw na nakakalimutan niya ako. Kahapon nandito siya para tulungan ako, pero sabi ko humiga lang siya jan kasi gusto ko ako yung gagawa. Binigyan niya naman ako ng tips and advices para sa maayos na pattern.

May kumatok sa pintuan ko sa kalagitnaan ng paggawa ko ng dinosaur crochet. Nilingon ko yung pintuan at niluwa nito si Takashi na may dalang supot at mangkok.

Tumayo ako agad at saka ko siya sinalubong ng yakap. Welcome home.

"Miss me?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

Sinubsob ko yung mukha ko sa katawan niya habang yakap-yakap siya. Binuhat niya ako papuntang kama ko habang yakap-yakap ko pa rin siya. Ang sarap magpahinga, lalo na nandito na yung pahinga ko.

"Kumain ka muna." Nilabas ni Takashi yung mga binili niyang pagkain.

Tumayo naman ako agad kasi naamoy ko agad yung bango ng ramen. Narinig ko yung tawa niya sa gilid.

"Basta pagkain ang bilis mo." Tawa niya ulit.

"Eh, kasi nagugutom na ako." Kinuha ko agad yung ramen at saka ako kumain.

"Ano pa mga gagawin mo?" Tanong niya.

Tiningnan niya yung mga papel na nakakalat sa sahig at sa kama ko. Ayan yung mga reports pa. Nakalimutan ko! Hindi ko pa natatype yan.

"Love. Patype ako niyan, due na pala bukas yan. Nakalagay na dyan yung mga aalisin saka papalitan." Pakiusap ko sa kaniya.

"Sige love." Sagot niya.

Agad niya namang kinuha yung laptop ko na nakalagay sa writing desk. At sinimulan niya yung gagawin niya.

Pagkatapos ko kumain ay sinilip ko muna siya bago ako bumalik sa gagawin kong dinosaur crochet. Nagtatype siya na isang daliri lang yung gamit. Naalala ko tuloy yung kinuwento ni Hakkai na hindi pala siya masyadong marunong sa technologies.

"Cute mo magtype, love." Asar ko sa kaniya.

"Shh! Wag ka maingay, pasalamat ka ginagawa ko 'to." Bawi niya.

"Gusto mo palit tayo?" Tanong ko.

"Sa pagtatype lang naman ako hindi mabilis, gusto mo itry natin ngayon." Ngisi niya sa akin.

Agad kong sinuntok bunbunan niya. Itong Takashi na 'to akala ko naman napakapure may tinatago pa lang kulo sa loob.

"Hoy! Kapag narinig ka ni Mama jan, hindi lang bunbunan mo mapupuruhan pati bungo mo." Paalala ko sa kaniya.

Nagpalit kami ni Takashi ng gagawin, siya sa dinosaur crochet ko at ako naman doon sa report na need nabukas. Mabilis lang kami na tapos sa ginagawa namin kaya nagpasya muna kami manood ng movie.

After ilang oras ay uuwi na si Takashi kasi mag gagabi na at kailangan niya pa bantayan sila Mana at Luna. Hinatid ko siya sa pintuan namin, mukhang hindi niya dala yung sweet impulse niya.

"Bye!" Paalam niya at saka siya naglakad paalis. 

I left a note; Mitsuya TakashiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu