Chapter 25

139 12 2
                                    

Pumunta ako sa sala at nakita ko sila Mikey, Draken, Hakkai, Takemichi, Baji, Chifuyu, Smiley, at Angry, medyo marami sila ngayon ah. At sila Mana at Luna na minemake-upan silang lahat. Tinakpan ko bibig ko para pigilan yung tawa ko kasi mukha silang tangang lahat.

"Uy! Nandyan na pala yung prinsesa." Asar ni Mikey.

Nilingon ako nila Mana at Luna at agad silang tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.

"Hello! Ito crinkles, kainin niyo ah. Wag niyong bibigyan si Kuya Mikey niyo kasi ubos yan." Paalala ko sa kanilang dalawa habang tinitingnan ko si Mikey ng masama.

"Bakit kami wala?" Tanong ni Mikey.

"Can't you wait? Dadalhin ni Takashi yung sainyo." Pagsusungit ko.

"Sungit ah." Asar ni Baji.

"Gusto mo gupitin ko yang mahaba mong buhok?" Pagsusungit ko lalo.

"Joke lang eh. Baka hampasin mo ko ng-" 

"Bakit ba kasi nandito kayo?" Putol ko kay Baji. 

"Ininvite nga kami ni Mitsuya." Pagpupumilit ni Mikey.

"Kainis naman." Padabog akong tumayo at dumeretso sa kwarto nila Mana at Luna.

Naririnig ko yung tawanan nila sa sala. Bahala nga sila, dito na lang ako kila Mana at Luna. Napasandal ako sa pintuan at biglang bumuhos yung luha ko dahil sa inis ko kila Mikey.

"Ate! Make-upan ka po namin ni Mana." Hila sa akin ni Luna.

"Hala ate, wag ka po umiyak." Yakap sa akin ni Mana at Luna. Niyakap ko sila pabalik.

"Sige makeupan niyo ko. Tapos lagay tayo face mask, ok ba 'yon?" Ngiti ko sa kanila habang pinupunasan luha ko.

"Sige po!" Sagot nilang parehas.

Habang minemakeupan nila ako, biglang may kumatok sa pintuan.

"Mana..Luna.. Si Kuya Takashi 'to, labas muna kayo." Tawag ni Takashi sa pintuan.

"Sige po, Kuya." Sagot nilang parehas at saka lumabas para puntahan si Takashi.

Naririnig ko yung usapan ng magkapatid sa labas ng pinto, pero hindi sobrang linaw kasi mukhang nagbubulungan sila.

Naglaro muna ako sa cellphone ko habang hinahantay ko silang tatlo matapos mag-usap. At mga ilang minute pa ay pumasok na si Mana at Luna na may tinatago sa likod.

"Ano yan?" Tanong ko.

Pagkarating nila sa tapat ko at agad pinakita ni Mana yung papel habang si Luna naman ay flower ang hawak.

"Para saan 'to?" Tanong ko.

"Pinabibigay po ni Kuya Takashi." Sagot ni Luna.

Kinuha ko yung papel kay Mana at saka ko binuksan para basahin ko.

Meet me outside.

- Love.

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now