Chapter 23

177 13 6
                                    

play me & u and day 1 by honee & falling for u by peachy! mxmtoon while reading this chapter.

WARNING: Inappropriate word 

-------------------------------------------------

After ng isang oras at natapos na kami mag-set up ng lugar. Ang ganda! Saktong-sakto sa iniisip kong itsura.

May fairylights na nakapalibot, puting tela at unan sa baba habang tinitingnan yung view, tapos sa right side naman is projector at white tela para magmovie marathon at sa gilid nun is table kung saan nakalagay yung pagkain at inumin.

Agad-agad akong tumakbo sa kwarto ko para magbihis, at kunin cellphone ko. Nakailang missed call na sa akin si Takashi at text.

Bakit hindi mo 'ko sinundan kanina?

Dalhan ba kita pagkain?

Kumusta pakiramdam mo?

Maayos ka ba?

Meron ka ba ngayon?

May nagawa ba akong mali?

Kanina pa ako nag-iisip dito kung ano mali ko.

Miss kana raw nila Luna at Mana, pati na rin ako :*

50 missed call.

Agad kong ni ring yung number niya. Unang ring ay agad niya naman itong sinagot.

"Hello? Galit ka ba? Ano nagawa kong mali?" Tanong niya sa kabilang linya, mukhang kanina pa nga 'to nag-iisip kasi ang tamlay ng boses.

Sorry, Takashi. Naguguilty tuloy ako, ano ba 'yan.

"Pumunta ka rito sa bahay, mag-usap tayo." Seryoso kong tono kong sagot sa kaniya.

"Sige, sandal lang. Ma, alis lang ako, punta lang ako sa girlfriend ko." Paalam ni Takashi sa kabilang linya.

Nanjan mama niya? Teka nga! Anong girlfriend? Sira ulo! Sasagutin pa lang kita.

"Sige, mag-ingat ka ah!" Paalala ng Mama niya sa kabilang linya.

Narinig ko yung pagkuha niya ng susi at kalampag pagkasarado ng pinto nila.

"Wait lang, y/n. Ibaba ko na 'to at pupunta na ako sainyo." Paalam ni Takashi.

"Sige, mag drive ka ng maayos ah. Wag kang magmadali. I-text mo ko kapag nandito kana." Paalala ko at saka ko binaba yung tawag.

Agad naman akong umakyat sa rooftop at nakita ko si Mikey kumakain ng snacks. Habang yung iba naman naglalaro gamit yung game console na kinuha nila sa sala namin kanina.

"Malapit na sila!" Anunsyo ni Yuzuha. "Sabi sa akin ni Hakkai, nagpapatulong daw si Takashi sa kaniya, at papunta na silang dalawa rito."

Kanina pa ako lakad ng lakad at pabalik-balik dahil kinakabahan ako. Paano kung hindi siya matuwa? Paano kung umayaw siya sa akin dahil sa ginawa ko?

Tinapik ni Mikey yung braso ko at saka niya hinaplos yung buhok ko.

"Kalma. Magugustuhan niya 'to. Si Takashi yan, small things maappreciate niya." Pagkakalma sa akin ni Mikey.

"Nasa pinto na raw sila." Anunsyo ni Yuzuha.

Agad-agad naman kami pumunta sa mga pwesto namin. Naririnig ko yung katok sa pinto sa rooftop at bulong-bulungan nila Hakkai.

"Galit ba siya sa akin? Ano kaya nagawa ko? Ayaw niya na ba sa akin?" Tanong ni Takashi kay Hakkai.

"Ayaw niya na yata sayo, pre. Hindi ka pinapansin kanina diba? Seryoso yung tono sabi mo nung tinawagan ka." Ginatungan pa ni Hakkai.

Narinig ko yung hagikgikan nila Baji sa gilid. Ako rin hindi ko maiwasan matawa kasi ginatungan pa nito ni Hakkai eh.

Pagkabukas ng pinto, una niyang ginawa ay hinanap ako. Agad naman binuksan ni Draken yung mga fairy lights. Lumapit ako kay Takashi na nakatingin lang sa akin at kinuha ang isa niyang kamay para hatakin siya.

"Ano meron?" Tanong niya habang nilibot niya yung tingin niya sa paligid.

"Dami mong tanong, Mitsuya! Sumunod ka na lang kay, y/n." Sigaw ni Baji.

"Gago!" Mura ni Takashi kay Baji na kinatawa ko.

Pagkarating namin sa pwesto naming kung na saan makikita yung city lights. Saka ko siya hinarap at nginitian.

"Anong araw ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"September 24. Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

Tinawanan ko siya kasi mukhang wala talaga siya kamalay-malay sa nangyayari sa paligid niya.

"Anong oras?" Tanong ko ulit.

Tiningnan niya yung relo niyo at saka niya binalik yung tingin niya sa akin.

"9:30 PM." Sagot niya naman.

"Tandaan mo, sa ilalim ng mga bitwin at buwan may mga taong nakapaligid sa atin makakasaksi sa sasabihin ko." Ngiti ko sa kaniya. "September 24 ang una nating anniversary."

Saktong pagkasabi ko, agad naman pumutok yung party popper at torotot ni Mikey na parang baliw. Mas maingay pa sa motor niya.

Tiningnan ako ni Takashi na gulat yung mukha, kasi nilingon niya pa sila Mikey na tinawanan siya.

"Ibig sabihin, sinsagot mo na ako?" Tanong niya.

Tumango ako at agad niya akong niyakap.

"Malandi!" Sigaw ni Baji.

"Sana all!" Sigaw naman ni Pehyan.

"Takashi niyo binata na!" Tawa ni Draken.

"Are you surprised?" Tanong ko.

"Of course. I didn't know na may pasurprise ka." Abot ngiti niyang sagot sa akin.

"Did you like it?" Tanong ko ulit.

"Of course. I love it. Ang ganda ng set-up and ang effort mo." Yakap niya ulit sa akin.

From this day, Takashi Mitsuya is now my official boyfriend. Sabi ko pa naman dati hindi ako magjojowa, it's a prank lang pala.

Nagsalang agad si Chifuyu ng movie, at nakaupo kami ngayon sa puting tela na maraming unan. Nakahiga ako sa tyan ni Takashi, habang katabi naman niya ay si Hakkai at Yuzuha. Si Hinata naman nakahiga kay Takemichi habang nakasandal sa kaniya si Mikey, at ang katabi ni Mikey ay si Draken, Baji, Chifuyu at Pehyan.

"Dito ba kayo matutulog?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Oo, nagpaalam ako kay tita, pumayag siya." Sagot ni Mikey.

"Sige, late na rin naman. Mikey kumuha ka don ng mga kumot, sapin saka unan, tutal ikaw naman nagpaalam." Hikab ko.

Agad namang tumayo si Mikey kasama si Baji para tulungan si Mikey kumuha ng unan, kumot at sapin para sa kanila, baka hindi kami magkasya sa puting tela at malamig yung sahig. Kinusot ko yung mga mata ko sabay ng paghikab.

"Inaantok ka na?" tanong niya.

Hawak-hawak ni Takashi yung kamay ko, habang yung isa niyang kamay hinahaplos niya sa ulo ko.

"hindi pa." sagot ko.

Pagkasagot ko ay unti-unti nang pumipikit yung mga mata ko, at bumigay na ako. Nakatulog na ako habang nanonood kami ng movie. 

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now