Chapter 31

225 12 5
                                    

May kasama siya sa likuran niya, Si Draken, Baji, Mitsuya, Angry at si Hina.

Parehas naming nilingon ni Takemichi kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na ako papunta kay Takashi na nakangiti.

"Takashi!" Tawag ko sa kaniya. At saktong may pumutok na baril kung saan.

Nakita ko si Takashi na pinipilit na tumakbo pa punta sa akin, habang tumatakbo siya unti-unting dumidilim yung paningin ko at umiikot sabay ng pagbagal ng takbo ko at panghihina hanggang sa bumagsak ako sa sahig.

Agad namang may umalalay sa akin para tingnan kung ok lang ako. May masakit sa katawan ko, kaya hinawakan ko yung parte na masakit sa akin at naramdaman ko na may basa kaya tiningnan ko.

"Bakit may dugo?" Naghihina kong tawa.

"Y/N." Tawag sa akin. Ito yung narinig kong boses kanina habang nawalan ako ng malay nung sinipa ako.

Nilingon ko si Takashi na inaalalayan ako at naiiyak. Kaya pinunasan ko yung luha niya kahit nanghihina na ako at nginitian siya.

"Takashi. Wag kang umiyak. Masama kaya akong damo." Naghihinang tawa ko.

"Dadalhin kita sa hospital. Wag ka magsalita." Iyak niya habang pinipilit niyang tumayo mula sa pilay niya.

Tumingin ako sa madilim na langit na naguulan ng snow at saka ko pinikit yung mata ko para damahin siya.

"Takashi? Gawa tayo snow angels." Aya ko sa kaniya.

"Oo, gagawa tayo. Don't speak, lalo kang mauubusan nang dugo." Iyak niya. "Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw niya.

"Takashi, alam mo ba. Gusto ko maging model tapos ikaw yung magiging designer ng mga damit ko. At pangarap ko rin na, magkasama tayo sa college at hanggang sa pagtanda natin meron tayong dalawang anak na aso tapos uuwi ka sa bahay natin pagod tapos ako nagluluto then magcucuddles tayo afte." Sabi ko sa kaniya.

"Wag kang mag-aalala, mangyayari yun ha? Kapit ka lang. Nagtawag na sila ng ambulansya." Iyak niya sa akin habang dinidiinan niya yung part kung saan ako natamaan ng bala.

Pinilit kong ilapit mukha ko sa kaniya para halikan yung pisngi niyang basang-basa ng luha. Inabot ko yung mukha niya haplusin 'to at mas lalo siyang naiyak.

"Takashi." Tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nililingon. "Thank you for leaving a note that day, kasi kung hindi. Hindi kita makikilala at wala akong jowa na magaling magtahi at magmahal." Tawa ko.

Puro hikbi niya lang ang tanging sagot niya sa akin.

"When the snow melts, what does it becomes?" Tanong ko. Nilingon niya ako.

"S-spring." Utal niyang sagot niya habang umiiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit, para niya akong hinehele.

"I hope by Spring, you find someone new and love her like how you love me." Unti-unti kong pikit ng mata. "I love you, Takashi. I am always with you." Ngiti ko sa kaniya.

I left a note; Mitsuya Takashiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें