Chapter 28

162 11 0
                                    

WARNING: VIOLENCE

----------------------------------------------

Mitsuya's POV

Naglalakad ako pauwi sa bahay namin, kaya naisipan ko na bumili muna doon sa bake shop na lagi kong binibilhan ng strawberry cake para kila Mana at Luna.

Habang papalakad ako ay bigla akong hinarang ng mga nakauniform. Tenjiku.

"Ikaw ba si Mitsuya Takashi ng Tokyo Manji Gang?" Tanong nung isa.

"Bakit?" Balik kong tanong sa kaniya.

Agad niya akong sinuntok sa mukha. Hindi ako agad nakailag kasi masyadong mabilis ang pangyayari.

"Unfair. Hindi mo nga ako sinagot, tapos susuntukin mo 'ko. Mali yun." Asar ko sa kaniya.

Dumura ako ng dugo at agad ko naman siyang binawian. Maya-maya ay yung mga kasama niya sinugod ako. Hinampas ako ng tubo sa ulo nung isa. Kulay green at yellow yung buhok niya, nakasuot siya ng salamin at gloves nung humampas ng tubo sa akin.

"Walang-wala yan sa suntok ng misis ko kanina." Ngiti ko.

Mas masakit pa rin yung sinuntok ako ni Y/N sa bunbunan ko kanina, dahil inasar ko siya. Hanggang suntukan, siya pa rin naiisip ko. Nakakabaliw ka talaga y/n.

"Hoy! Akin yan, bakit ka nang aagaw?" Sigaw nung sumuntok sa akin kanina.

Nagtataka ako sa kaniya, at bigla akong nakaramdam ng tao sa likod ko na sobrang lapit sa akin.

"Alam mo naman si Kuya, kung ano yung pinakainteresting part gusto niya siya yung star. Jan ako naiinis sa ugali niya." Sagot nung green at yellow yung buhok.

"Sorry for the unfair play." Bulong niya.

At saka niya ako hinampas sa ulo ng sobrang lakas. At nawalan na ako ng malay. 

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now