Chapter 20

177 12 1
                                    

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

Nakasakay kami sa motorcycle niya or my sweet impulse kung pangalan itatawag mo sa motor niya. Angas no? Pati motor may pangalan. 

"Amusement Park." Simpleng sagot niya.

After almost 1 hour ride, nakarating na kami sa Amusement Park. Agad-agad kong tinanggal yung helmet ko at saka ako bumababa para tumakbo sa entrance. Hindi pa ako nakakapunta rito!

Pumasok kami sa Amusement Park, ang daming tao at maraming iba't-ibang stalls na pwede mong puntahan at saka rides na nakakatakot at friendly para sa mga bata.

"Where do you want to go first?" Takashi asks. Tiningnan ko yung map na binigay sa amin nung bumili kami ng unlimited card ride. 

"Wait. Paano pala sila Luna saka Mana? Sino nagbabantay sa kanila?" Tanong ko. 

"Kasama nila parents ko, wag kang mag-aalala." Takashi laugh at saka niya ginulo yung buhok ko. 

"Now, sa roller coaster muna tayo." Takashi suggests.

Hinila ni Takashi yung kamay ko sa pila ng roller coaster. Tiningnan ko mga kamay naming dalawa at saka ko tiningnan si Takashi. I can't believe he's with me at these amusement park. 

"Alam mo bang first time ko rito?" Tanong ko sa kaniya.  Nilingon niya ako.

"Really? Then, I'm so honored to take you here and your first date." Takashi smiled. 

"Hoy! Paano mo nalaman na first date kita?" Tanong ko sa kaniya. 

"Sabi ng mama mo kanina." Takashi said. 

The staff assist us for the seatbelt and safety vest na automatic bumababa. Hinawakan ko yung kamay ni Takashi nang makarating na kami sa tuktok ng rail, saktong pagkahawak ko ng kamay niya biglang bumababa yung cart. 

Bakit ito ba agad sinakyan namin?! 

"Punyeta ka Takashi! Mamatay ako rito!" Sigaw ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako at hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko. Sa buong ride na iyo, minumura ko si Takashi at siya naman tinatawanan ako habang hawak-hawak yung kamay ko. 

After ng roller coaster ride, pumunta naman kami sa vikings, space shuttle at last ang carousel. At saka kami nagbreak time para kumain. 

"What do you want to eat?" Takashi asks.

Habang naglalakad kami para tumingin ng makakain, naka lagay sa jacket pocket niya ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay niyang magkahawak. Cute namin, sana mainggit sila.

"Kahit ano, ikaw bahala. Hati tayo sa babayaran ah? Ako na lang sa drinks, ikaw na lang sa pagkain. 50/50 rule dapat!" Paalala ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako at saka niya pinisil yung magkabilaang pisngi ko.

"Dapat ako magbabayad lahat, kasi ako nag-aya sa'yo." Sabi niya. 

"Eh! Ayoko,  ikaw na nga nagbayad ng entrace eh, ganito na lang. Ako na lang sa pagkain at drinks." Negotiate ko sa kaniya.

Nagpuppy eyes pa ako sa kaniya para effective. Pinikit niya ng mariin yung mga mata niya at saka siya ngumiti sa akin.

"Sige na nga." Bigay niya. 

"Ito yung pera for snacks, mag-CR muna ako habang pabalik ako mag hahanap na rin ako drinks. May specific ka bang drink?" Tanong ko sa kaniya habang inaabot ang pera.

"Anything will do. Hahantayin kita rito sa churros stall." Turo ni Takashi sa churros stall. 

I left him at the churros stall para umorder nang kakainin namin. Habang nagtitingin ako sa mga food stalls para maghanap nang inumin para pagbilhan pagbalik ko ng CR. 

Habang nagtitingin ako, saktong may nabangga akong tao at natapon yung inumin niya sa damit niya. 

"OMG. I'm so sorry." I said while panicking. I bowed my head a little and kinuha ko yung panyo ko para punasan yung t-shirt niya. 

"It's ok, miss." Sagot niya at saka niya ako pinigilan magpunas nang damit niya.

Tiningnan ko yung nabangga ko, medyo hawig sila ni Takemichi ng hairstyle and hair color, nakausot siya eye glasses tapos gold yung handle nun at may box na earring na may design sa right na tenga niya. Wait, familiar siya? Saan ko ba 'to nakita? 

"I'm really sorry. Here, Have my money, buy na lang ikaw nang bago." Offer ko sa kaniya nang pera.  Tinawanan naman niya ako. 

"No need, miss. Ok lang." Sagot niya at saka niya ako nginitian. 

"Oi, Kisaki! Dito! Aalis na tayo!" tawag sa kaniya.

Tinawag siya nang may highlight sa gitna nang black niyang buhok at may hawak siyang sigarilyo sa kanang kamay niya na may tattoo. Inabot sa akin nung Kisaki ang panyo ko at saka siya umalis. 

Weird. Ngiti pa lang niya nakakaramdam na ako nang kakaiba na hindi ko malaman. Well, kailangan ko na mag CR at bumalik kay Takashi baka naiinip na 'yon.

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now