CHAPTER 32: Close to

Magsimula sa umpisa
                                    

Napayuko naman si Honey at Hayna sa nasaksikhan nang may marinig silang mga yabag mula sa lobby at nakita ni Hayna sina Chryssa na kasama sina Reynalyn, Rose, Kisha at dalawang lalaki na sina Mark at Jansen.

Hindi sila pinansin ni Sheena at patuloy lang ito sa pagiyak sa katawan ng kaibigan. 

"Anong nangyari?" tanong ni Reynalyn habang papalapit ito kina Sheena.

"S-si Ramshelle kasi nakita namin siyang papalabas na ng kuwarto nina Kristine dala-dala yung libro, tapos don na nagkagulo," kuwento ni Chryssa.

"In short ninakaw ni Ramshelle ang libro?" tanong ni Kisha saka kinuha ang librong nasa tabi ni Ramshelle nang makalapit ito sakanila.

"I see mukhang patay na siya," komento naman ni Rose nang madungawan niya si Ramshelle na maputla na at bagsak na ang katawan.

"Sinong..." hindi na natapos ni Jansen ang itatanong nang makita niya si Hayna na may hawak na kutsilyo habang nakayuko. Agad namang tumalim ang tingin niya rito ngunit siya namang napansin ni Honey kaya iniharang niya ang sarili sa paningin ni Jansen.

"Hindi niya sana sasaksakin si Ramshelle, kaso kung hindi niya gagawin yon si Sheena naman ang mamamatay. Inunahan niya lang si Ramshelle dahil lumalaban siya at gusto niya talaga kamong saktan para makuha yung libro," paliwanag ni Honey.

Bahagya namang kumalma si Jansen at dinaluhan si Sheena na hawak-hawak pa rin ang katawan ng kaibigan at patuloy pa rin sa pagiyak.

"H-hindi naman masama si Ramshelle," bulong ni Sheena.

"Kung hindi siya masama bakit muntikan ka na niyang patayin?" tanong naman ni Kisha.

Napatingin naman si Sheena sa hawak ni Kisha na libro at tinuro ito. "Yan, iyan ang dahilan kung bakit nagiba si Ramshelle," anito at mabilis na tumayo saka inagaw ang libro kay Kisha at inis na pinagpupunit ito na agad namang pinigilan nina Kristine.

Habang tinitignan lang ito ni Kisha kahit pa nagwawala na naman ito.

"Hindi maibabalik ng pagwawala mo ang kaibigan mo," ani Kisha na ikinatahimik ng lahat maliban sa tumatangis na si Sheena.

"Bakit hindi kayo tumawag sa infirmary?" tanong ni Reynalyn kina Kristine.

"Wala pong sumasagot eh," sagot ni Chryssa.

"Ang alam ko sira ang linya ng infirmary ngayon kahapon pa. Bakit hindi ka nalang tumakbo papunta don? Kabilang building lang naman yun," ani naman ni Kisha.

"Tapos ka na ba diyan?" tanong ni Jansen kay Mark na seryosong nakatingin sa bangkay ni Ramshelle.

"What happen---Oh my gosh!" gulat na sabi ni Trisha habang nagmamadali itong makalalpit sakanila.

"Trisha huwag ka ngang OA," sita ni Nielma pero inirapan lang siya nito.

"Anong nangyari?" tanong ni Nielma.

Agad namang ikinuwento ni Chryssa ang nangyari. "Oh eh anong iniiyak-iyak mo diyan Sheena? Dapat magpasalamat ka pa nga kay Hayna kase niligtas ka niya sa masama mong kaibigan," sermon ni Trisha kay Sheena na nanunuod lang sa pagaayos sa katawan ni Ramshelle.

"Hindi naman magagawa yun ni Ramshelle," nakatulalang sagot niya.

"Oh my may nategi na naman," bulong ni Mica na kakarating lang kasama si Celine.

Napatingin naman sakanila sina Kristine, Chryssa, Hayna at Honey na tila may nalamang kakaiba sakanila.

"Oh gulat yarn?" tanong ni Mica.

"Alam niyo na ba na isa si Ramshelle sa dalawang taong narinig at muntik ng makahuli sainyo nung isang araw," tuloy-tuloy na wika ni Chryssa na pipigilan pa sana ni Kristine ngunit huli na ang lahat.

"Bakit mo sinabi? Mamaya mapahamak sila lalo sayo eh, dahil diyan sa kadaldalan mo. Hindi natin alam baka nasa paligid na yun ngayon," sermon ni Kristine dito.

"S-siya yun? Pano niyo nalaman?" tanong ni Celine.

"Umamin siya kanina samin," sagot ni Kristine habang marahang hinahagod ang likod ni Sheena.

"Tsaka sabi niya siya rin ang tumulak kay Zenith, kase bored lang daw siya," kuwento pa ni Chryssa na ikinatawa ng malutong ni Trisha dahilan para mapunta sakanya ang atensyon ng lahat.

"Bored lang siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Trisha. 

"Puwede pala yun, hindi niyo naman sinabi. Baka yung killer bored lang din kaya pumapatay lalo na yang si Black," natatawa pa ring wika ni Trisha.

Napailing-iling nalang sakanya ang iba at inasikaso na si Ramshelle nang makarating na ang nurse mula sa infirmary.

Nang makaalis na ang mga taong kumuha sa katawan ni Ramshelle ay tahimik na naiwan ang iba. 

"May iba pa bang sinabi si Ramshelle?" tanong ni Reynalyn.

"Kanina ilang beses niyang sinabi na magingat kami, dahil nasa paligid lang daw siya. Yon din ang huling sinabi niya kay Sheena," kuwento ni Honey.

"Si Black ba ang tinutukoy niya?" tanong ni Rose.

"Hinde eh," sagot naman ni Honey.

"Eh yung sa libro ano ba kasing meron diyan at pinagaagawan niyo?" tanong naman ni Nielma.

Bumuntong hininga naman si Kristine bago ito sinagot, "Sa totoo lang ay hindi pa rin namin alam at aalimin pa lang namin." Tahimik na pinulot ang mga pahinang napunit kanina ni Sheena at inipit sa loob ng libro.

"Alam kong wala na kayong tiwala sa isa't-isa, pero kung ano man ang malaman niyo sa libro sabihan niyo kami para mabilis nating malaman ang sagot sa lahat ng bakit," wika ni Reynalyn.

"Ikaw na may sabi na wala kaming tiwala sa isa't-isa and that includes the three of you, so bakit namin sasabihin sainyo?" tanong naman ni Trisha.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Reynalyn at nagsalita, "Then solve this problem by yourselves."

Isa-isang umalis at bumalik sa kanya-kanyang booth ang mga ito habang inalalayan naman ni Kristine at Chryssa si Sheena papunta sa kuwarto nito.


Matapos ang tagpong iyon isang studyante ang nagmamadaling lumapit sa kasama nitong nakaupo sa ilalim ng puno sa tapat ng kanilang booth at tila nagpapahinga ito.

"Alam ko na kung paano natin magagawa ang plano mo kay Celine," kuwento nito.

Pinanliitan naman siya nito ng mata. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.

"Someone is also after her, and I think alam ko na kung sino iyon," sagot nito.

Malaking ngisi naman ang kumawala sa labi ng kasama saka ito tinignan.

Sa kabilang banda naman ay may tao pa ring hindi pa umaalis sa hallway ng girl's dormitory.

Mariing napakuyom naman ang isang studyante habang nakayuko at nang maramdamang wala na itong kasama ay unti-unting nagpakawala ito ng malademonyong tawa na nagecho sa hallway.

"Poor Ramshelle, hindi ka kase nagiingat. But good thing nalaman ko na rin kung sino ang dalawang isusunod ko," bulong nito sa sarili saka binalingan ng tingin sina Celine at Mica na kasama sina Reynalyn paalis.

"Honey!"


* * *

IH

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon