CHAPTER 25: Book and Blood

38 9 3
                                    

Sa hapon din na iyon ay wala namang nakitang kakaiba ang mga naatasan sa boy's dorm. 

Nasa kaligtaan ng pagiinspeksyon si Mark sa huling kuwarto nang may marinig siyang kaluskos mula sakanyang likod, walang tao sa loob ng kuwartong pinasukan at napagalaman niyang nasa labas pa ang mga nagkukuwarto rito.

Nakarinig naman siya ng lagaslas ng tubig mula sa banyo na ikinatingin niya ro'n, at nagtaka naman siya dahil alam niyang siya lang ang tao roon.

Dahan-dahan naman siyang lumapit sa pintuan at kinatok iyon, ngunit makalipas ang ilan pang katok ay walang sumagot mula sa loob niyon.

Aalis na sana si Mark nang may maramdaman siya sakanyang mga paa. Dahan-dahang nagbaba ito ng tingin at doon nakita niya ang kulay pulang likidong nagmumula sa siwang ng pintuan sa ibaba.

Hindi naman nakagalaw si Mark sakanyang kinatatayuan at nakatingin lamang sa pag-agos niyon.

"Mark!" malakas na tawag rito ni Jansen mula sakanyang likod na ikinagulat naman ni Mark.

"Kanina pa kita tinatawag, para kang nakakita ng multo diyan, anong meron diyan sa pinto ha," natatawang wika nito.

"M-may dugo," aniya sabay turo sa sahig.

Sinulyapan naman ni Jansen ang tinuturo nito ngunit wala siyang nakita roon kundi ang malinis at puting sahig.

"Okay ka lang?" pabirong tanong nito kay Mark.

Nagtataka namang tinignan ni Mark ang sahig na kanina ay napupuno na ng pulang likod at ngayon ay isang malinis at walang bahid ng dumi na sahig na ito.

"Tara na, itulog mo na yan," biro pa ni Jansen.

Hinila naman siya ni Jansen palabas ng kuwarto ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ni Mark ang mga nakita niya kanina at narinig sa loob ng banyo, na ngayon ay nagtataka pa rin siya kung anong meron sa loob niyon.

Nagpasya naman si Mark na magpahangin muna sa labas ng dorm at maglakad-lakad, hindi pa naman malalim ang gabi kaya may mga bukas pa na canteen at coffee shop sa campus.

Habang nagpapahangin sa bench katabi ng lamppost ay nakita niya si Tope na nagpapahangin rin ngunit nakaupo ito sa malaking pplant box di kalayuan sakanya.

"Uy bro," tawag pansin niya rito, ngunit imbes na sagutin ay tinanguan lang siya nito.

"Lalim ata ng iniisip mo," aniya pa.

"Hindi naman," mababang boses na wika nito.

Pabirong sinuntok naman ni Mark ang braso nito, "Tsk ang drama mo," natatawang komento nito.

Tinignan naman siya ni Tope, "Hindi naman kase ikaw ang nasa lugar ko, hindi mo alam yung pakiramdam na umiiwas sayo ang lahat na parang may nakakahawa kang sakit," wika nito.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Mark at umayos ng upo sa tabi nito, "Anong naramdaman mo nung mga oras na yun?" tanong nito.

Saglit naman siyang sinulyan ni Tope, "Basta ang nasa isip ko lang no'n kailangan makaalis ako ng buhay dito, at kung yun ang paraan para magawa ko yun gagawin ko. Makikipaglaro din ako sakanya."

"Hindi ka man lang ba naawa kay Keith?" tanong pa ni Mark.

Napayuko naman dahil do'n si Tope. "Ikaw ba, mararamdaman mo pa ba yun kung alam mong ikaw ang susunod kung hindi mo man gawin?" balik na tanong nito kay Mark.

Hindi naman nakasagot si Mark dahil alam niyang gagawin niya rin iyon kung sakali mang siya ang malagay sa gano'ng sitwasyon.

"Naawa akos syempre, nasasaktan din, at sinisisi ang sarili ko," naiiyak na kuwento nito.

The Royal AcademyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu