CHAPTER 40: Fourteen to go

34 6 1
                                    

"Hindi pa tapos ang oras kaya magtago kayo ulit, at baka may makakita sainyo. Worst baka si Black pa ang makakita sainyo," paalam nito bago sila iniwan.

Malalaki pa rin ang mga mata ni Tope sa nasaksihang paghandusay ni Jansen sa kanyang harapan mismo, walang kahit anong salita ang lumabas mula sakanyang bibig.

Mabilis siyang kumawala kay Mark at lumuhod upang daluhan si Jansen na habol-habol na ang kanyang paghinga. Nanginginig ang mga kamay na napahawak si Tope sa dibdib nito na napupuno na ng dugo.

Dahan-dahan ay nilingon niya si Mark na nakatingin lamang sakanila hanggang makita niya ang pagtigil ng pagtaas-baba ng kanyang dibdib.

"Bakit?" tanong ni Tope ngunit hindi ito sumagot at napamulsa nalang sakanyang pantalon.

Mabilis na tumayo si Tope at kinuwelyuhan si Mark. "Bakit?! Ako dapat yon, bakit mo siya tinulak?!" malakas at galit na tanong nito.

Hindi naman nagpatinag si Mark at sinalubong nalang ang galit sakanya ng lalake.

"Bakit ka ba nagagalit?" tanong nito sabay ganti ng tulak kay Tope.

"Dapat magpasalamat ka pa sakin dahil sinagip ko ang buhay mo," inis na 

"Sa tingin mo natutuwa akong niligtas mo ko?! Ngayong alam kong sinadya mo siyang itulak?!" galit na tanong muli ni Tope.

Malakas namang napangisi si Mark. "Huwag kang magalala, hindi ko naman ginawa yon para sagipin ka talaga. Gusto ko lang talaga siyang mawala dahil naiirita na ko sa pagiging pakilamero niya," wika nito at iniwan si Tope ng magisa kasama ang katawan ni Jansen.

Sa kabilang banda naman ay maingat na naglalakad si Roxanne habang hawak nito ang kutsilyo. Kasalukuyan niyang hinahanap sina Trisha. 

"Trisha? Diana? Cindy?" tawag niya sa mga pangalan ng mga ito habang ikinukubli ang galit sakanyang dibdib habang bumbalik sa kanyang ala-ala ang mga pangyayaring nagparamdam sakanya na siya'y magisa lamang.

Napalingon siya sakanyang likuran nang may marinig siyang naguusap doon. 

"Nasan na si Roxanne?" anang tinig ni Cindy.

"Hayaan niyo na siya, kundi ba naman kase aanga-anga ang bagal pa kumilos," iritang sagot ni Trisha na ikinakuyom naman ng kamao ni Roxanne.

Habang nasa ganoong posisyon si Roxanne ay nakamasid naman ng palihim sakanya si Charm mula sa isang madilim na sulok habang nasalimuran naman niya ang nakahandusay na tauhan ni Black. 

Kill to survive

Wika ng isang tinig mula sa hangin na tila naging sanhi upang may bumangon mula sakanya at dumiin ang pagkakahawak nito sa nakuhang patalim sa bulsa ng tauhan ni Black.

Akmang lalapitan na niya si Roxanne nang maramdamang may biglang lumitaw na tao mula sakanyang likod kaya nilong niya ito ng walang takot.

"Black," bulong niya  na ikinangisi nito. Nakilala niya ito sa suot suot nitong kulay itim na damit at kalahating maskara na tanging bibig lang ang makikita.

"I could grant you a wish," ani to habang hindi pa rin natatanggal ang pagkakangisi nito.

"Kaya mo bang ibalik si Eunice?" malungkot na tanong nito.

"Ofcourse, pero may tanong muna ako sayo." Hinintay naman ni Charm ang sunod na sasabihin ni Black sakanya.

"Gusto mo rin ba kong patayin?" diretsong tanong nito.

"H-hindi, kung kaya mo naman ibigay sakin ang gusto ko. I just want my best friend back," malungkot pa rin na sagot nito.

Muli naman siyang nginisian ni Black. "What about you're sister? Don't you want her back too?" 

The Royal AcademyWhere stories live. Discover now