CHAPTER 1: Mystery Card

1.4K 58 44
                                    

Sa isang maliit na eskinita ay may kumpulan ng mga studyante ang naroroon habang nasa gitna naman niyon ang isang estudyanteng takot na takot sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Oh ano nasa'n na yung pera? 'Di ba ayaw mo ng mabully sa'min, kaya amina," maangas na sabi ng kanilang lider na si Jansen at napangisi naman sa kanyang tabi ang malapit na kaibigang si Venice.

"Eh wala pang binibigay sa'kin si mama kanina eh," sagot naman ng kawawang estudyante.

"Alam mo ibigay mo nalang kung ayaw mong ipalunok ko 'yang salamin mo sayo," pananakot ni Venice habang nakaakbay pa rito. 

Kita mo ang takot sa mga mata nito habang iginagala ang tingin sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Tila naubos naman ang pasensya ni Jansen at mabilis na sinuntok sa tiyan ang estuyante, dahilan para mapaupo ito sa sakit. "Ano meron o wala?! Nakakaubos ng pasensya."

"Sorry wala talaga 'kong pera ngayon," nahihirapang sagot nito.

"Ah wala. Okay, madali naman akong kausap." Tinanguan naman ni Jansen ang mga kasamahan at mukhang alam na nito ang gagawin. Mabilis na sumunod naman sa kanya si Venice palabas ng maliit na eskinita na parang walang nangyari nang biglang umihip ng malakas ang hangin at tila may tangay itong maliit na papel at saktong tumama iyon sa paanan ni Venice kaya naman agad niya itong napansin at piniluto.

"Welcome to Royal Academy," basa nito sa nakasulat nang biglang may tumigil na itim na van sa kanilang harap at mabibilis ang kilos ng mga armadong lalake at walang kahirap-hirap na kinuha sila at isinakay sa loob.


Sa kabilang banda naman ay mga kababaihang sabay-sabay na naglalakad sa hallway ng kanilang campus na animo'y nasa isang fashion show sila, nang may nagmamadaling estudyante ang bumangga kay Trisha.

"Oh my gee!" malakas na tili niya.

Mabilis naman ang naging galaw ng babaeng estudyante upang punasan ang natapong juice sa uniform nito ngunit marahas na pinigilan siya ni Diana. 

"Don't touch me!" malakas na sabi pa ni Trisha.

"You ruin my uniform, you cheap little girl!" Dagdag pa nito.

"Dahan-dahan ka naman sa pananalita mo, kaya nga pupunasan ko na eh," sagot naman nito sa kanya na ikinataas ng kilay ni Maegan at nilapitan ito at pumwesto sa likuran ng dalaga.

"Ikaw pa ata ang galit," sabi nito sabay tulak dito.

"Ikaw na nga nakadisgrasya, ikaw pa matapang sino ka ba?" mataray naman na tanong ni Lovely dito.

"Oo nga sino ka ba?" pag-uulit ni Roxanne.

"Importante pa ba 'yon, makaalis na nga," inis na sabi nito bago nagpasyang maglakad na paalis ngunit lalagpasan pa lang sana niya si Cindy nang mahila na nito ang buhok niya at doon na nila pinagtulungan ang dalaga.

"Akala mo kung sino kang umasta dito, are you the daughter of the mayor? Senator? Or any politician ha?!" sunod-sunod na tanong dito ni Trisha nang humiwalay siya dito habang hawak naman nina Roxanne at Diana ang babae.

"Susumbong ko kayo sa dean!" sigaw nito habang pilit na kumakawala sa dalawa ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng mga ito, napatigil naman sila at sunod-sunod na tumawa maliban kay Roxanne, kaya para makasabay sa mga kaibigan ay nakitawa na rin siya.

"Kawawa ka naman halatang wala kang alam, girls you know what to do. Bigyan niyo siya ng pawelcome party," nakangising sabi ni Trisha dito habang pinapanood na puwersahang hilain at baklasin ang unifrom ng dalaga na wala ng nagawa kundi ang umiyak na lamang habang pilit silang pinipigilan.

The Royal AcademyWhere stories live. Discover now