CHAPTER 06: Warm Up

199 23 24
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay ang unang araw ng labanan ng apat na seksyon, ang lahat ay naghanda para sa mga susunod na araw.

"Huy bilisan mo Alaiza manood tayo sa quiz bee na scienterrific, yun yung mauuna ngayong araw eh, boring sa math. Puro numbers yung makikita natin do'n. Tipong hindi ka naman kasali sa laro pero napapaisip ka kung anong sagot," mahabang sabi ni Yanna kay Alaiza habang hinihila ito papunta sa auditorium kung saan gaganapin ang competition.

Naupo naman ang dalawa sa bandang ginta para kita nila ang buong pangyayare sa stage. 

"Goodmorning, let us all welcome our competitors," bati ng emcee na isang senior student.

Isa-isang nagsilabasan ang mga studyante mula sa magkakabilang panig at tumayo sa harap ng kani-kanilang mga pwesto. 

"Partner parang kakaiba yung school year na 'to, ramdam mo ba?" kausap ng emcee sa kasama niya ring emcee na lalake, "Oo nga partner eh, balita ko halos lahat ng transferees natin ay honor students sa former schools nila, kaya huwag na natin patagalin pa."

"For the section Valor we have Carla, Hart, Rachelle, Venice and lastly Marla." Naghiyawan naman ang kanilang mga kaklase na sumusuporta sakanila.

"From the section Bane, we have Reniel, Alliah, Jhulcris, Kristine and Jera." Tulad ng nauna ay ganun din ang mga kaklase ng mga ito, kumaway naman sakanilasi Jhulcris na para bang isa siyang sikat na tao at kinakawayan ang mga fans.

"Our second to the last team, Section Aerie. We have Christopher, Hayna, Cindy, Celine and Jen. Alam mo ba partner yung isa nilang kasama nameet ko na dati sa former school ko and I always see her in every quiz bee competition, as in lagi siyang sinasabak ng mga prof do'n," may himig ng pagmamalaking sabi ng babaeng emcee.

"Talaga ba, naku edi mukhang magiging maganda ang laban na 'to kung sakali, kaya naman ang huling team natin ay mula sa Section Sagacity, syempre hindi magpapahuli sina, Diana, Michelle, Sophia, Trisha at Luxel."

Sa isang banda sa loob ng auditorium ay prenteng nanunuod ito sa buong programa habang iniisip ang ginawang plano para sa kompetisyong ito, "Hindi kaya mahuli tayo?" tanong ng kasama nito, "Hindi tayo mahuhuli, ofcourse I planned everything, syempre hindi ko naman hahayaan na matalo tayo dito," sagot nito sakanya. Hindi naman na nagsalita ito at nagpatuloy nalamang sa panunuod.

Nagbigay naman ng intruction ang mga emcee sa mga manlalaro at mga rules na dapat nilang tandaan bago magsimula, "For easy round, question number one. How many men have walked on the moon?" Illang segundo lang ay agad na pinatunog ng section Aerie ang kanilang bell.

"Ang bilis, from section Aerie and their answer is twelve." Hinintay naman ng mga ito ang projector para sabihin kung tama nga ba ang sagot o hindi.

"Correct!" Napa-yes naman ang mga kasamahan ni Jen dahil sa narinig, "First point goes to section Aerie," anunsyo ng emcee at binasa ang susunod na katanungan.

"Grabe ang bilis nila," bulong ni Grace kay Chryssa habang namamangha sa napanood na pagsagot ng mga ito, "Oo nga eh, alam mo narinig ko lang 'to sa isang studyante sa kabilang section, yung kaninang tinutukoy nung emcee na pambato sa quiz bee, si Jen yun. Consistent honor student daw yan tapos, mula bata lagi daw yan best in math at science kaya hindi na nakakapagtaka," mahabang kwento naman ni Chryssa.

"To what familiar fruit is the plantain similar?" Naunang nagsulat ang panig ng Bane ngunit binura nila ito nang tatlo sakanila ang nagsabing mali ang sagot nilang Cherry.

"And there we go Section Sagacity please raise your board," sabi ng emcee dito nang marinig ang pagtunog ng kanilang bell, "Their answer is banana, is it correct?" kausap nito sa malaking screen at hinintay ang paglabas ng check sign.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon