CHAPTER 12: Escape Plan

95 14 16
                                    

"Calling the attention of Mr. Evangelio, Ms. Xas, Ms. Dalangin, Ms. Abrea and Ms. Caculitan. Please proceed to the student council office. Thank you!" Anunsyo ng isang tinig mula sa mga nagkalat na speaker sa loob ng campus.

Biyernes na at ang lahat ay balik na sa dating gawi, sa nakalipas na dalawang araw matapos ang event ay tila walang nangyaring trahedya dahil ang lahat ay balik na sa normal at kanya-kanyang pasok na sakanilang mga klase.

Nasa iba't-ibang lugar naman ng eskuwela ang mga studyanteng nabanggit, at nagkita-kita naman sila sa lobby ng main building kung saan nasa itaas niyon ang student council office.

"Good morning!" magiliw na bati ni Reynalyn sa limang bagong dating. Siya lang ang mag-isa ngayon sa office dahil may pasok na ang dalawa.

"Bakit niyo pala kami pinatawag?" tanong ni Tope.

Malaki ang ngiting binalingan ni Reynalyn si Tope, "Congratulations! Kayo ang nanalo sa amazing race, at dahil diyan eto ang gate pass niyo. You have the whole weekend para makalabas at makagala sa labas ng Academy."

Nanlalaki ang mga matang tinanggap ng lima ang gate pass na ibinigay ni Reynalyn, "Nga pala galing yan sa taas at sabi samin, you have the choice naman daw kung gagamitin niyo or puwede niyo ring ibigay sa iba. Effective lang yan ngayong weekend kaya sulitin niyo na."

Pagkasabi niyon ay nagkatinginan naman sina Tope, Cindy, Celine at Mica habang si Jen ay nakatingin lang sa gate pass na hawak.


Nang makalabas na sila ng buidling ay napapaisip pa rin sila kung gagamitin nila ito o ibibigay nalang sa iba. "For sure babalik lang din naman tayo dito so bakit pa natin gagamitin, wala din namang sense," iritang sabi ni Mica.

"May point ka, ako siguro ibibigay ko nalang sa mga galang-gala na. Hindi naman ako pala alis kahit noon pa," pagsang-ayon naman ni Celine.

"Ikaw gagamitin mo?" tanong ni Tope kay Cindy.

"Hindi na din siguro, baka ipamigay ko na din," sagot ni Cindy.

Nagkanya-kanyang daan na sila dahil lunch break na din. Si Cindy tumuloy sa tambayan nilang magkakaibigan, si Tope at Jen naman ay magkasamang bumalik sa classroom habang sina Celine at Mica ay naglakad na papuntang canteen.

"Oh andito na pala yung may vacation trip," sarkasmong sabi ni Trisha nang makita si Cindy.

"Huwag mo 'kong simulan ah," pagbabanta naman nito na ikinatawa ng tatlo.

"Oh," ani Cindy sabay lapag ng gate pass sa coffee table.

"Hindi ako sasama sa paglabas sa trip-trip na yan, puwede raw namin ipamigay. Gusto niyo?" tanong sakanila ni Cindy.

Napako naman ang tingin ni Maegan doon. "Ayoko, I'm enjoying my stay here," nakangising sabi ni Trisha at nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi rin ako," sagot rin ni Diana.

"Ikaw Maegan? Mukhang may balak ka," tanong ni Roxanne dito.

"Gusto ko na talagang umalis dito, hindi ba kayo natatakot?" tanong ni Maegan sa kanyang mga kaibigan. Muli na naman kaseng bumalik sakanya ang mga pangyayaring nasaksihan niya sa loob ng ilang buwan pa lang niya sa eskuwela.

"Alam mo ang duwag mo talaga kahit kailan, nakakaenjoy nga eh. Para tayong nasa loob ng isang mystery movie, finding the killer ang peg," nangaasar pang sagot ni Trisha sa kaibigan.

Dinampot naman ni Cindy ang gate pass at nilahad ito kay Maegan, "Oh, gamitin mo yang pagkakataon para makaalis ka, huwag ka sanang mahuli."

Nagaalangan man ay kinuha ni Maegan ito at siyang pagbuhos ng pag-asa sakanyang dibdib. 

The Royal AcademyWhere stories live. Discover now