CHAPTER 32: Close to

30 7 0
                                    

"Sheena!"

"Ramshelle!"

Halos magkakasabay na hiyaw ng mga taong naroon sa hall way habang malalaki ang mga matang nakatingin sa dalawang taong magkalapit.

Ang malakas na pagbagsak ng libro ang sumunod na narinig ng lahat.

"Ramsh," malalaki ang mga matang tawag ni Sheena sa kaibigan nang bumagsak ito sa mismong harapan niya at doon naman nila nakita si Hayna na nakatayo sa likod ni Ramshelle habang may hawak na kutsilyog may bahid ng dugo.

"H-Hayna," kinakabahang tawag naman ni Honey rito habang nakatingin sa kutsilyong hawak ng kaibigan.

"Kung hindi ko ginawa yon baka si Sheena ang nasaksak niya," sagot nito at tumingin sa kamay ni Ramshelle na may hawak na maliit na swiss knife.

Hindi naman siya pinansin ng iba at mabilis na dinaluhan sina Ramshelle at Sheena habang. "Ramsh, stay with me. Please wag kang pipikit, magagamot ka pa. Hayna bakit mo siya sinaksak?" nakatingalang tanong ni Sheena.

"Edi ikaw ang namatay," sagot nito.

Nanginginig pa rin ang mga kamay na iniangat nito ang ulo ni Ramshelle at ipinahiga ito sakanyang hita. Nakapikit ang kaibigan at habol-habol nito ang hininga, malalim ang natamo niyang saksak sa likod kung kaya't napupuno na ng dugo ang paldang suot ni Sheena.

"R-Ramsh, bakit? Bakit mo nagawa 'to?" umiiyak na tanong ni Sheena.

 Dahan-dahang nagmulat si Ramshelle at halata mo ang panghihina nito dahil unti-unting nawawalan na ng kulay ang kanyang mga labi.

"T-this school," hirap na hirap niyang sabi.

Hinihintay naman ng lahat ang kung anong susunod nitong sasabihin nang magsalita si Sheena. 

"Ano hihintayin nalang ba natin siya?! Tumawag kayo sa infirmary!" inis na utos niya sa mga kasama.

Sakto namang pagdating ni Chryssa na humahangos pa. "W-walang...Sumasagot sa....Infirmary," hinihingal na wika niya.

Sabay-sabay namang nahulog ang kanilang mga balikat sa balita ni Chryssa. "Tumawag ka nalang sa SSC office, I'm sure nandon sina Reynalyn," natatarantang utos naman ni Honey.

Agad namang tumalima si Chryssa at nagmamadaling pumunta sa telephone booth sa lobby ng fifth floor.

"Ramsh," tawag ni Kristine at pinagmasdan ito kung humihinga pa ang dalaga.

"P-puwede mo bang sabihin kung sino ang kasama mo nung oras na marinig kayo nila Celine?" tanong nito.

Ang lahat naman ay naghintay sa isasagot ni Ramshelle. "Promise hindi ka namin ilalaglag sa nangyaring 'to basta makipagtulungan ka samin. Si Black ba?" tanong pa ni Sheena.

Muling nagmulat si Ramshelle at tumingin kay Sheena. "Hindi iyon si Black. N-nasa paligid niyo lang siya," sagot nito habang hinahabol pa rin ang kanyang paghinga.

"Si-sino kung hindi si Black?" tanong ni Sheena.

Ngunit hindi iyon sinagot ni Ramshelle sa halip ay, "I-I'm s-sorry, naging m-makasarili ako. Sheena, you've b-been such a g-good friend t-to me. Be safe always, m-mag ingat ka s-sakanya." Doon nakita nila ang unti-unting pagpatak ng luha nito.

"No, no, Ramshelle gising," umiiyak na wika nito habang yinuyugyog ang balikat ng kaibigan, natigil lamang siya nang maramdaman ang pagbigat ng katawan nito na hawak niya.

Dito na tuluyang napahagulgol si Sheena habang yakap-yakap ang katawan ng kaibigang wala ng buhay. Yumakap naman si Kristine na tahimik lang na umiiyak kay Sheena.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon