CHAPTER 38: Hide and Seek

30 7 0
                                    

Muling nagsama-sama ang lahat at matamang nakatitig sa baga ng bonfire sakanilang harapan. Tulad kanina ay nakapaikot ang mga ito.

"Ang boring naman, mag truth or dare tayo," suhestyon ni Tope.

"I'm in!" malakas na wika ni Charm habang tinataas pa ang kamay.

"Ako din!" masayang wika ni Jhulcris habang nagtataas rin ng kanyang kamay.

Sumunod na rin ang iba kaya nagpasya na ang lahat na pagbigyan ito. Magsasalita sana si Roby upang magtanong nang may biglang sumulpot na taong nakaall in black. Napatayo naman sina Jansen, Reynalyn, Nielma at Tope.

"Wait di ba isa ka sa alipores ni Black, andito ba siya?" tanong ni Nielma bago nagpalinga-linga sa paligid na tila may hinahanap pa.

Agad namang nataranta ang iba at naglapait-lapit na animo'y kukuha sakanila ano mang oras.

Humakbang naman paabante si Reynalyn at siya na mismo ang humarap sa taong kakarating lang. Hindi nagsalita ang kaharap at may inilahad na isang maliit at kulay itim na envelope. May kulay pulang ribbon pa itong nakapaikot.

Halos lahat naman sakanila ay lumapit kay Reynalyn upang matignan ang laman ng ibinagay na envelope dito.

Dahan-dahan naman ang pagtatanggal ni Reynalyn sa ribbon na nakapaikot rito upang mabuksan na ang envelope.

Nang mabuksan ay may laman itong kulay red na papel. Mabilis na kinuha iyon ni Reynalyn at binasa ang laman. 

Wanna play a game?

Iyan ang nakasulat sa papel gamit ang kulay gintong tinta. Malalim na napalunok naman si Reynalyn bago binalingan ng tingin ang mga kasamahan, lalo na sina Rose at Kisha.

"A-anong game?" tanong ni Nielma bago nagangat ng tingin sa taong kaharap nila.

Sa halip na sumagot ay may nilingon ito mula sakanyang likod at doon naman ang pagpasok ng dalawang tao na nakaitim pa rin ngunit may hila-hila na ang mga ito na isang malaking screen. 

Ang lahat naman ay nagulahan dahil bukod sa hindi nila alam kung saan nanggaling ang mga ito ay nagtataka rin sila sa kung anong meron sa screen na bitbit ng mga ito.

"Wow ha, may pamovie marathon ba?" tanong naman ni Tope.

Binatukan naman siya ni Nielma bago ito sinita, "Gagi, wanna play nga daw eh."

"Baka ano scary maze," ani naman ni Roxanne na ikinatingin ng lahat sakanya at napapailing-iling nalang.

Ilan minuto ang lumipas ay bumukas ito at bumungad sakanila ang madilim at isang silhoutte vision ng isang office table at isang swivel chair na kung saan may taong nakaupo roon. Nakaitikm rin ito at sumbrerong itim habang ang mga labi at kuko sa daliri naman nito ay kulay pula.

"Hi," aniya bago gumuhit ang napakalaking ngisi sakanyang labi.

"Ano na naman ba to ha?" tanong ni Jansen.

"Baka bored na siya, at papatayin na niya tayo," singit naman ni Trisha.

"Okaya imamassacre na niya tayo, Oh no!" ani naman ni Roxanne habang napapasinghap pa.

"'Ano bang gusto mo talaga samin?" matapang na tanong naman ni Eislen.

Mas lalong lumawak naman ang ngiti nito na nauwi sa isang halakhak. "Good question my dear, well I heard you're bored," aniya.

"Ikaw naman pala may kasalanan eh," reklamo ni Charm kay Tope.

"Bakit ako?" depensang tanong naman nito.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon