CHAPTER 45: Mask

46 7 0
                                    

"I-ikaw si Black?" hindi makapaniwalang tanong ni Nielma.

Hindi naman ito umimik at nagpatuloy lang sa pagmamasid sakanila.

"Ba't hindi ka magsalita ngayon? Ano natatakot ka na no," panghahamon ni Charm.

"Aware ka naman siguro na ikaw lang magisa ngayon at nandito kaming lahat sa iisang kwarto, pwedeng pwede ka naming pagtulungan," ani Tope.

"Really?" manghang tanong ni Black.

"Something is off here," ani Trisha.

"Anong off? Papatyin yung ilaw?" takang tanong ni Tope.

"Gaga! May mali sa mga nangyayare ibig kong sabihin," sagot ni Trisha.

Magsasalita sana si Tope nang marinig nila si Mark na nagsalita.

"Ano pa bang kailangan mo samin?" tanong nito.

Bumaling naman ang tingin ni Black kay Mark.

"Tapos na tayo sa hide and seek, now lets continue."

Napasinghap ang lahat at napaatras nang makita nila ang inilabas nitong baril mula sakanyang likod at itinutok iyon sakanila.

Tumalim ang mga mata ni Mark at mabilis na sinugod si Black ngunit hindi pa ito nakakalayo sa pwesto ay kinalabit na ni Black ang gatilyo ng kanyang baril at tumama ang unang bala sa hita nito dahilan para mapaluhod ito sa sahig.

Napatili naman ang karamihan at mabilis na dinaluhan siya ni Tope at Kristine. Pilit na pinapatigil ang pagdurugo niyon.

"Trying to be a hero, when you are the  villain here. Good job," malumanay na wika ni Black habang nakatitig lang ito sakanila.

Hindi pa rin nila matukoy ang tao sa likod ng maskara nito dahil hanggang ngayon ay nababalot ito sakanyang itim na kasuotan.

"Sino ka ba talaga? Alam kong hindi ka si Black" mahinang tanong ni Gellie sa sarili.

"Wondering who is Black?" tanong nito sa lahat.

Binaba naman nito ang kanyang baril at nanatili sakanyang kinatatayuan.

Tinaliaan naman ni Kristine ng pirasong tela ang nagdurugo pa ring hita ni Mark.

"Black is someone you all knew," aniya.

"Someone you have met before."

Dito naman napaisip ang lahat at inalala ng ilan ang mga taong nakasalamuha nila sa pagpasok nila sa Academy.

"Someone that you y'all wished to die," may diing wika nito.

Nagangat naman ng tingin si Gellie dito.

"Hindi ikaw si Black tama? Ibang-iba ang tindig at boses mo sakanya," aniya.

"Sino ka? Nasan si Black?" seryosong tanong ni Tope.

"Wait, ibig sabihin nasa paligid lang natin si Black ngayon?" kinakabahang tanong ni Honey.

"Hindi! Baka nililinlang niya lang tayo! Marami naman tayo, kayang kaya natin siya," ani Jhulcris.

Narinig naman nila ang malakas na pag ngisi nito sa ilalim ng kanyang maskara. At muli napasinghap ito nang itaas nito ang kanyang baril at itinutok iyon sakanila.

"Black is with you right now, and I'm giving you the chance to use me to shoot and kill Black," seryosong anito.

Mariing napalunok naman ang lahat at napatingin sa bawat isa.

"Wait, naniniwala kayo sakanya?" tanong ni Mica na halatang kinakabahan.

"Oo nga, don't tell me pipili talaga kayo," ani Trisha.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon