PROLOGUE

2.1K 64 34
                                    

The Royal Academy is the most prestigious school in the country. Almost every student aims to pass the entrance examination on this Academy and be part of its history. But what if you don't have the plans on getting in? Then suddenly you received a card with a message,

'Welcome to Royal Academy'


"Ano ba!" sigaw ni Jhulcris habang pilit na kumakawala sa hawak ng isang 'di kilalang lalake sa kanyang braso.

"Kapag nakawala ako dito sasapakin kita!" sigaw naman ni Jansen na nagpupumilit din kumawala.

"Oh my gosh! Let me go ano ba! Kapag nag-kapasa ako susumbong ko kayo sa daddy kong politician!" galit na sigaw naman ni Trisha.

Hindi sila pinansin ng mga nakaitim na lalake at walang pag-iingat na itinabi sila sa mga studyanteng nakatayo rin sa gitna ng field.

Ang lahat ay may telang nakatalukbong sa ulo at nakatali ang mga kamay. Halos lahat rin sa kanila ay nagrereklamo at naghehesterikal habang ang iba ay gulat pa rin sa mga nangyayari.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natahimik na ang paligid at ang halos lahat ay nakikiramdam lang sa kung anong nangyayari sa paligid.

"Take them off," rinig nilang sabi ng isang boses at ilang segundo lang ay sumalubong sa kanila ang nakakasilaw na liwanag ng araw dahil nasa open field sila ng hindi pamilyar na lugar.

Nasa kanilang harapan ang isang taong nakabalot sa kanyang suot na black gloves, long black coat at nakasuot pa ito ng homburg hat. All in black siya at hindi mo ito mamumukhaan man lang dahil sa may kalayuan na rin ito sa kanila. Nakamaskara rin ito ng itim.

"Ang init-init pero balot na balot siya, may sakit siguro," bulong ni Rachelle.

"Nasa'n kami?! Bakit kami nandito?!" galit na tanong ni Trisha.

"Oo nga bakit kami nandito?" tanong din ni Mark.

"Ano, mags-staring contest ba tayo rito?" inis naman na tanong ni Mica.

"I know you are all wondering about why you are here and where are you at right now. Well you're here, at the most prestigious school in the country, welcome to Royal Academy my dear students."

"Ang daming intro! Ano 'to talk show?! Sabihin mo na at nang makaalis na kami rito masyado ka ng abala sa buhay namin!" sigaw naman ni Jansen.

Binalingan naman siya ng tingin ng taong nakaitim. "You are all going to stay here, if you want to get your freedom back then survive, if not, feel free to leave now." Kalmado ngunit may panganib na dala ang tono nito bago sila tinalikuran nito.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo na mananatili kami rito?! May paenglish-english ka pang nalalaman! Tara na alis na tayo rito malamang nasa prank show tayo at tinatakot lang tayo ng bungal na 'yon!" maangas na sigaw ng isang lalake na nasa bandang likuran saka ito nagtatakbo palabas ng field at sinundan naman siya ng tingin ng lahat.

Hindi pa ito nakakalayo nang mapatili ang karamihan nang humandusay nalamang ang lalake bigla matapos silang makarinig ng putok ng baril mula sa kanilang likuran at doon nakita nila ang taong naka suot ng itim na damit at may hawak na baril sa kanyang kamay na nakatutok pa rin sa direksyon ng lalake.

Ang lahat ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari, wala naman nangahas na lapitan ang duguang lalake na may ilang kilometro lamang ang layo mula sa kanilang kinatatayuan.

Kung ang iba ay gulat pa rin, ang halos naman sa mga babae ay nagsisimula ng umiyak. "I wanna go home! Tatawagan ko si daddy!" hesterikal na sabi ni Trisha.

"Tumigil ka nga kanina ka pa eh," inis naman na sabi sa kanya ni Nielma.

"Tumakas nalang kaya tayo," suhestyon naman ni Keziah sa dalawang babaeng katabi na sina Trisha at Nielma.

"Haven't you saw what happen sa kanya kanina when he tried to escape!" malakas na sagot naman ni Trisha.

Sasagot pa lang sana si Nielma nang may narinig silang nagsalita mula sa kanilang likod. "You try to escape, you die."

The moment they heard that voice, they searched for who it was, but unfortunately, pagbaling nila ay mga kasamahan lang din nila na abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga katabi at walang nakita na puwede nilang paghinalaang nagsabi niyon.

Is this what they call the most prestigious school in the country? But why are they here, when they didn't even applied? Do they have a secret agenda on them? What does he or she mean by "to get our freedom back we must survive" is this the dark side of this school?

* * *

IH

Start : October 03,2021

End : December 07, 2021

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon