Tinakpan ko ang tenga ko para hindi na sila marinig pa. Tinatamad akong makinig ng tungkol sa mga kinakabaliwan nila, baka mabaliw lang ako sa kanila. Minabuti kong lumabas ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin. Pasikat na ang araw at malamig lamig pa. Umupo ako sa swing at pumikit ng mariin.

"Good morning." Rinig kong bati sa akin ng isang tinig. Lumingon ako't nakita ko si Sam na may hawak ng mug. Naka suot ito ng plain white T-shirt at black short na hanggang tuhod.

"Good morning din." Ngiting bati ko sa kanya.

"Ang aga mo ata nagising ah". Pansin niya. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko.

"Sumakit yung ulo ko eh. Sorry pala kagabi huh. Nasukahan daw kita. Kamusta pala ang tulog mo?" Hinging paumanhin ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Hindi ko alam na ganun ka pala malasing. Okay lang yun, pinahiram naman ako ni Mai ng damit niya. Magkasama rin kami ni Irish sa isang kwarto at okay lang ako." Wika niya bago ininom yung chocolate niya sa mug.

Hindi manlang ako tinanong kung okay ba sa akin na T-shirt ni Mai ang sinuot niya at dun siya natulog sa kwarto ni Ate imbes na sa kwarto ko. Tss.

"Sila Harold pala? Hindi pa ata gising ah?" Tanong nito. I shrug my shoulder and chose not to answer her. Nakakaselos. Yung iba kinamusta, ako hindi. Badtrip.

"Anong iniisip mo?" Tanong nito ng hindi ako sumagot.

"Kung paano ka magiging akin muli." Napahawak ako sa labi ko ng kusang dumulas ang gustong sabihin ng puso ko. Tinatrabaho na ng puso ko ang puso ni Sam. Ang bilis niyang kumilos ah.

Napayuko ito at napansin ko ang pag blush ng mukha nito. Di sinasadyang mailagay nito ang mainit na mug sa mukha nito kaya napaso ito dito.

"Ouchh." Daing nito.

"Sam? Okay ka lang ba?" Natatarantang tanong ko. Sinapo ko ang mukha niya para tingnan kung may namumula ba. Namumula nga ang kanang pisngi niya.

"Warson..." Mahinang bulong nito. Nakatitig ito ng diretso sa mata ko. "May sasabihin ako." Dagdag nito.

Napalunok ako ng masundan ko ang paraan ng paggalaw ng labi niya. Shemay. Itinutok ko ang atensyon ko sa mata niya na malamlam ang pagkakatitig sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa dalawang pisngi niya.

"Yuhoooo! Sandrex! Videohan mo! Ang ganda ng moment nila oh! Matutuloy na ang naudlot nilang paghahalikan kagabi!" Sigaw ni Rosas na nagpahiwalay sa amin.

Bwisit ! Mapapatay ko si Rosas. Gagawin kong taong bulaklak yan! Unti nalang eh! Panira sa moment lagi ang putik!

"Yown oh! Nagbibinata na si Totoy! Hahaha!" Pangaasar sa akin ni Sandrex ng makalapit. Tinapik nila ako sa balikat at natatawang umupo sa upuan kaharap namin. Tss. Masasapak ko rin 'to mamaya. Ngumisi lang sa akin si Harold bago uminom ng kapeng hawak niya. Ininguso nito si Sam na ngayon ay dumoble pa ata ang pagkapula ng mukha. Naalala ko na may sasabihin pala 'to kanina.

"Samantha? Ano nga palang gusto mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Nagpalipat lipat naman ang tingin nito sa aming apat.

"Ah... Eh... Gusto ko sanang sabihin sayo na.." Wika niya habang kagat kagat ang labi.

"Gusto niya ng magkabalikan kayo." Sagot naman ni Rosas na ikinatawa ng lahat. Tss. Binato ko siya ng tsinelas ko para matahimik.

"Ano yun Sam?" Nakapako ang mata nito kay Harold na diretso lang nakatingin sa amin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

"I wanted to go home.. That's it. Yeah." Wika nito at tumayo agad. Nagkibit balikat lang ang tatlo at inutusang sundan ko siya. Sumunod naman ako at hinawakan ang braso niya ng paakyat na siya ng hagdan.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon