"Ayieeh! Taga awat ang prinsesa. Ayieeehh!" Pangaasar ni Sandrex. Agad na lumipad sa kanya ang stapler na binato niya kay Rosas noon. Pambihira, wag niyang aasarin yang amazona kong pinsan. Kapatid ni Tarzan yan.

"Tss. Sumeryoso nga kayo." Pangaawat ni Harold. Umayos naman ng upo ang dalawa. Lumipat na rin ng upuan si Rosas sa tabi ni Sandrex. Silang dalawa naman ang naghaharutan ngayon. Tss. Ang babakla talaga.

"Uhmm. Nag iba nga si Samantha. Ewan ko kung bakit. Ang alam ko kasi gustong gusto niya talagang maging nurse. Ewan ko kung bakit nagshift siya ng course niya. Actually, hindi na nga rin kami nagkakasama simula ng dumating siya ulit dito. Hinahayaan ko nalang nga rin." Mahabang salaysay niya. Itinaas ko ang kamay ko sa baba ko para magisip. Ginaya rin ako ng dalawang ugok. Tss. Akala nila magiging kasing gwapo nila ako kapag ginawa nila yun? Tss.

"It's been two months na naman since nung last day na nagkita kayo diba? It's not possible na magbago nga siya within that month." Napatingin ako kay Harold. Tama siya, hindi imposible na magbago agad siya knowing na matindi ang sakit na idinulot ko sa kanya noon. Hayss.

"Yeah, Tama si Harold. Labis na sakit yung ginawa mo sa kanya. Pain can change the person. Maybe that's the reason ng mga pagbabagong nakikita natin sa kanya." Sagot naman ni Sandrex.

"Alam niyo guys". Panimula ni Rosas. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Bakit di natin alamin ang sikreto..." Lumapit pa kami sa kanya para marinig ang sasabihin niya. "Kung bakit ako naging gwapo".

-_______-'

Akala ko seryoso na siya. Napabuntong hininga ako ng marinig ang reklamo niya. Lumipad na naman kasi ang stapler sa ulo niya. Tss. Buti nga sa kanya. Alam naman niya na seryoso ang usapan hinahaluan niya ng kalokohan. Tss.

"Hay. Mauuna na ako Son. Marami pa akong pipirmahan na papeles." Wika ni Irish. Tumango ako at umalis siyang kasunod si Harold.

"Ako rin Son! Mauuna na! Susunduin ko pa yung "girlfriend" ko." Wika ni Sandrex na binigyan diin pa ang salitang girlfriend. Sinamaan lang siya ng tingin ni Rosas. Humiga ito sa sofa at ikinabit ang headphone. Dumiretso ako sa table ko at nagsimula ng pumirma ng mga papeles na kailangan namin.

"Bakit kaya single pa akooo?

Matalino't gwapo naman akooo..

Matipuno, makisig at habulin ng mga chicksssssss!"

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang kanta niyang ay version ng Frozen. Lintek! Anong nasinghot nito?

"Bakit walang nagmamahal sa akin?

Charming at gwapo rin katuuuuuulad nilaaaa..

Bakit kaya single pa ako? Gwapo naman akooooo..."

Agad kong ibinato sa kanya ang stapler na nakita ko at sumapol sa mukha niya. Mabilis akong lumabas ng office para hindi na niya ako mahabol pa. Tss.

Minabuti kong dumaan sa Journalism building. Nakakailang nga dahil napapatingin lahat ng estudyante sa akin kada mapapadaan ako sa classroom nila. Maging ang teacher ay napapatigil din. Bukas nga ita try kong wag maligo para mabawasan naman ang kagwapuhan ko. Gusto ko kasi si Sam lang ang nakakapansin sa akin. Hay Samantha. Bumalik ka na sakin. Please.

Hinanap ko ang JB106. Room niya yan ngayon eh, according sa source ko. Napatigil naman akong makita ko siyang nagrereport sa gitna habang nakangiti.

Syetttt! Malalaglag na ata ang brief ko nito. De joke lang.

Ang ganda niya talaga. Ngayon ko lang nakita muli ang ganyang ngiti niya. Tinagal ata ng 30 minutes ang paghihintay ko sa kanya. Napatayo ako sa sahig ng makitang naglalabasan na ang mga classmate niya. Yumuko ako ng makita ang malalagkit na tingin ng ibang babae. Tss. Para kay Sam lang ang mukhang 'to eh.

"Son?" Umangat ako ng tingin at nakita ko ang pinakamagandang babae na nilaglag ni Lord sa langit. Nakakunot nga lang ang noo. Hays.

"Hi Babe." Nakangiti kong bati. Pinapalabas ang perpekto at mapangakit kong smile. My most charming smile.

Pero imbes na ngumiti pabalik ay umirap lang ito at tinalikuran ako. Hays. Meron ba ang babaeng 'to ngayon? Nakakaasar lang.

"Teka naman Sam. Naghintay ako sayo ng 30 minutes dito tapos gaganyanin mo lang ako? Hay ang gwapo ko talaga." Wika ko bago inihilamos ang kamay sa mukha ko. Humarap ito sa akin at nagsalita.

"Sinabi ko bang hintayin mo ko?" Natigilan ako sa sinabi niya. Yumuko ako at ngumiti rin sa kanya kalaunan. Huminga ako ng malalim bago sumagot. Kaya ko 'to.

"Hindi naman. Pero hindi ka ba natutuwa na may gwapong katulad ko na naghihintay sayo?" I wiggled my eyebrow while saying it.

"Hindi. Pwede ba tantanan mo ba ako Warson?" May diin sa bawat salitang wika niya.

"No." Matigas kong sagot. "Hindi ko hahayaan na mawala ka ulit sa akin Samantha. Tama na ang dalawang beses na hinayaan kitang umalis. Tama na yung ilang taon na nasayang ko para hintayin ka. Ito ang tamang panahon para itama natin ang mga bagay bagay sa ating dalawa." Wika ko. Tumalikod ito at huminga ng malalim.

"H-hindi mo kasi naiintindihan.." Mahinang wika nito. Pero sapat na para marinig ko. Wala na ring halos estudyante ngayon kaya tahimik na sa hallway na 'to.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Ayoko na Warson. Ayoko na sa relasyon natin noon. Ayoko na, nakakasawa." Tila nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Para na rin niya akong tinanggalan ng karapatan na huminga sa sinabi niya.

"A-akala ko ba okay na? Pumayag kang makipag date sa akin diba? S-sam". Nahihirapan kong wika. Humarap ito sa akin ng walang ka emosyon emosyon sa mukha.

"Pinabigyan lang kita dahil nakukulitan na ako sayo. Sana hindi mo binigyan ng meaning yun." Wika niya. Nagsimula na itong maglakad palayo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya lumuhod ako sa harap niya habang hawak hawak ang kaliwang paa niya.

"S-sam.. H-hindi ko na k-kakayanin kung m-mawawala ka pa ulit sa akin. Please S-sam. Give me another chance." Naluluhang wika ko. Fvck. Di dapat ako umiiyak eh. Pero di ko na kinaya.

"W-warson. Bitiwan mo nga ako. A-ano ba." Reklamo nito. Pilit nitong inaalis ang kamay kong nakahawak sa paa niya.

"Please Sam. Give our relationship a chance to work out."

"Tumayo ka na kasi. Pag may nakakita sayo pagtatawanan ka lang. Warson."

"Sabihin mo muna sa akin na may pag asa ako. Please Sam." Desperado na talaga ako. Hindi ko na kakayanin kapag nawala pa siyang muli sa akin.

"Tumayo kana kasi!!" Sigaw niya na nagpatigil sa akin. Samantha doesn't know how to shout that loud. Dahan dahan akong tumayo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mata. Tila ito'y gulat na gulat rin sa ginawa niya.

"S-sorry." Tanging usal niya.

Mahabang katahimikan agad ang sumalubong sa amin. Tanging ang malakas na ihip ng hangin lang ang maririnig mo.

"Here." She gave me a piece of letter. Tiningnan ko ito at may sulat na nakalagay. Nagtatakang napalingon ako sa kanya.

"That was the signs I ask for god para malaman kung totoo ba ang pagmamahal mo sa akin o hindi. If that's happen within this week. I'll give this relationship a chance. Please, just give me this time to prepare in my Prelim exams. Thanks." Wika niya pagkatapos ay umalis agad.

Naguguluhang napatingin ako sa papel na hawak ko.

Fvck! This is just so impossible to happen!

--------------

Mr. Chickboy (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz