Napahagulgul nalang ako bigla sa balikat ni mama dahil kahit anong tago ko sa nararamdaman, lalabas at lalabas talaga!

“Shhhh, it's okay anak. Andito lang si mama, ha?”

Tumango-tango ako at hindi maiwasan ang humikbi!

“G-gusto ko muna magpahinga, m-ma.”

“Sige anak, tawagin mo ako pag may kailangan ka, ha?”

Tumango nalang ako bago tumalikod at umakyat na sa kwarto ko. Ni-lock ko na kaagad at bigla nalang napaluhod!

When you're gone, the pieces of my heart I'm missing you!

I never thought that I needed you when I cry!

“Fuck! A-ayoko naaa...ayoko munang maalala lahat! P-please...Lord, a-ayoko na p-po! Pagod na p-pagod na ako!” sigaw ko sa kawalan bago ko ginulo ang sariling buhok.

After a month, ganun pa'rin ako tahimik, nag-iisa at mahirap maka-move on sa nakaraan. Palagi akong umiiyak sa gabi and the worst I always think of him!

I decided to go in other country to explore para makalimutan ko na'rin siya. 1 year akong nasa America for vacation, kahit papaano hindi ko na siya masiyadong iniisip.

'Kung sakali man na makahanap ka ng bago, you can replace me but you can't never replace the memories.

Umuwi ako last month so ngayon nag-hahanda na ako para sa simulang buhay ko at handa na ulit akong bumalik sa trabaho.

“Ate, babalik ka na ba sa trabaho mo?” tanong ni CL habang pinag-mamasdan niya akong nakatayo.

Marami na'rin ang nagbago sa kanya simula ‘nong umalis ako. Mas tumangkad pa siya at lalong nag-matured na.

“Uy, sabihin mo nga...may girlfriend ka na ba?” taas-kilay na tanong ko at nang-aasar na tinignan.

Inirapan naman ako kaagad.

“Shut up, ate! Wala.” inis pang sagot sa'kin.

Kunyare ka pa.

“Sabihin mo, parang di tayo mag-kapatid, ah.”

“Wala, umalis ka na nga!” taboy niya sa'kin.

“Eh nakita ko nga kayo sa mall eh, may pa-holding hands ‘pang nalalaman!” asar ko ulit sa kanya na bigla niyang ikinatigil!

Sabi ko na, hindi mo ako maloloko, uy!

“H-ha? Hindi ako ‘yun!”

“Weh, talaga? Ang saya mo nga eh.”

“Hindi n-nga ako ‘yun, baka namamalik mata ka lang.”

“Kitang-kita ng dalawang mata ko, Charles Lian!” turo ko pa sa dalawang mata ko.

Nakahawak lang siya sa braso ko, itinutulak palabas sa pinto.

“Baka anino lang ‘yun!” pagtatalo pa'rin niya sa'kin.

Ah, anino ha!

“Talaga ba, 'kung makatingin ka nga sa ibang lalaki kala mo 'kung aagawin na sa'yo 'yung girlfriend mo!” iling ko pa sa kanya.

Lumingon-lingon naman ito na parang tinitignan 'kung nandoon si mama.

“Alam mo ate, napaka-chismosa mo talaga!” singhal niya sa'kin.

“Kung isumbong kaya kita kay, mama?” maangan na tanong ko.

“Samahan pa kita, akala mo matatalo mo ako ate? Diyan ka nagkakamali!” ngisi niya sa'kin.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now