CHAPTER THREE

1.3K 31 2
                                    

Hindi na ako nag-abalang sagutin ang text at nagsimula nalang mag-impake sa mga gamit. Kinuha ko rin ang mga essential ko sa banyo at nilagay sa iisang bag. Pati na'rin ang undergarments ko. Kinuha ko rin lahat ng kakailanganin ko pang-office lalo na ang mga blazer ko, damit pambahay, pantulog at ang mga panlabas ko gaya ng mga pantaloon at iba't-ibang uri ng dress.

Inilagay ko rin ang laptop at Ipad ko sa pagitan ng damit para hindi ito magadanan. Inilagay ko naman sa kabilang maleta ang mga heel's, sandal's, at shoes ko na gagamitin ko. Inilagay ko na din doon ang nakabag na essentials, undergarments at kaunting bag's. Ibinalik ko na ang phone ko sa sling bag ko at inilagay doon ang wallet at mga direct make-up ko.

Tumayo na ako at linibot muna ang sariling kwarto bago bumaba sa sala.

“Hatid ka na namin sa labas.” bungad ni Mama.

“Dito nalang po, ma. Si Charles nalang para may kasama si Papa dito.” nakangiting sagot ko.

“Ate, ito ba 'yong ilalabas ko?” turo ni Charles sa dalawang maleta.

“Oo, ilagay mo lahat sa compartment.” utos ko.

Hinila na nito at nauna ng lumabas.

“Mag-iingat ka, anak ha? Wag 'kang mag-pupuyat.” naiiyak na paalala ni mama.

“Ano ka ba, ma. Siyempre, dadalaw naman ako dito araw-araw.” yakap ko sa kanya.

“Hindi lang kami sanay, anak, na wala ka dito sa bahay.” nakangiting sabat ni Papa pero hindi iyon abot sa mga mata.

“Promise ko sa inyo, dadalaw po ako araw-araw.” pambubulabog ko sa kanila.

“Sige, mag-ingat ka, hinay-hinay sa pagmamaneho, Garrette, gabi na.” paalala ulit ni mama.

“Yes naman, sige po bye, goodnight, I love you all!” paalam ko at humalik sa kanilang pisnge.

“Bye, I love you too, anak.”

Tumango nalang ako at lumabas na. Natatanawan ko sa garden na nagpupunas ng luha si Charles sa may gate.

Hahaha! OA talaga amp!

“Woi! Anong iniyak-iyak mo diyan?” natatawang gulat ko sa kanya.

“Lol, napuwing lang ako!” sagot naman niya.

Galing mo magtago, uy!

“Talaga ba? Sige aalis na ako, bantayan mo sina mama't papa ha? Kukutusan talaga kita pag-nagpasaway ka!” bilin ko sa kanya.

“Oo na, ate!” irap nito.

Tss, bading!

“O, sha, magpakabait ka, la-love ka ni ate, kahit pasaway ka!” yakap ko sa kanya.

“Love you, too, ate.” sagot naman niya kaagad.

Naglakad na ako papunta sa driver seat ng sumigaw na naman siya!

“Ate!” pigil niya.

“What?”

“Yung, allowance ko nakalimutan 'mong ibigay!” nakangiting sabi nito.

Hindi makakalimutin!

Kumuha ako sa wallet ko at binigay sa kanya.

“Thank you so much!” masayang paypay nito sa binigay 'kong pera.

“O, sha, gabi na aalis na'ko. I-lock mo lahat ng pinto! Wag 'mong hahayaang nakabukas.” paalala ko.

“Sure, ate.”

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now