CHAPTER FOUR

1.1K 27 0
                                    

Nagising ako bago pa mag-alarm ang phone ko. Pumasok na ako sa banyo at nagsipilyo. Mga 3am na ng magsimula akong magluto ng umagahan. Tinakpan ko nalang sa lamesa, wala akong gana'ng kumain. Pumasok na ako sa kwarto ko at linigpit na ang kaka-ilanganin ko mamaya, buti nalang nag-basa ako kagabi nag- jotdown 'din ako ng importang details. Naligo na ako kaagad dahil bibisita pa ako sa bahay. Nag-suot lang ako ng maroon sleeveless fitted dress hanggang sa taas ng tuhod at pinatungang ng kulay white na blazer.

Sinuot ko na'rin 'yong white heels. Pi-nonytail ko ang mahaba at bagsak na buhok ko paikot at ginawa itong messy bun. Linagyan ko rin ng maliliit na hibla-hiblang buhok sa harap ng mukha ko. Naglagay ako ng konting make-up sa mukha.

Para kahit puyat, magmukha pa'rin akong tao :>

Kinuha ko na ang bag ko at ang mga documents bago lumabas. Hindi na ako nag-abalang mag-paalam.

Bahala ka diyan!

Binilisan ko pa ang pag-maneho para maka-abot ako sa saktong oras. Dumaan na'rin ako sa fast food at umorder ng breakfast nila. Mas lalo akong nabuhayan ng makitang bukas na ang ilaw sa bahay, madilim palang kasi papaliwanag palang.

Dali-dali na akong pumasok sa gate, may duplicate naman ako. Kumatok na'rin ako bago ako pinapasok.

"Aga mo ate, ha?" bungad ni CL (Charles Lian).

"Siyempre. Good morning!" sigaw ko sa sala ng makapasok ako.

"Goodmorning din, anak. Ganda naman sa suot mo!" natatawang bati sa'kin ni mama. Bumeso muna ako sa kanilang tatlo.

"Upo ka, anak. Kain na tayo." sabi 'din ni papa.

"Hindi na pa, bumisita lang ako dito para ibigay ito, breakfast niyo. Hahaha!" tumatawang sagot ko at linapag na sa lamesa ang binili.

"Kumain ka na ba, ate?" tanong ni CL na nagpatigil sa'kin.

"O-oo!" I lied.

Sorry bunso, late na kasi ako.

"Sige po, aalis na ako!" masayang paalam ko. "Late na kasi, me. Alam niyo na sexytary, hahaha!" dagdag ko pa.

"Sige, anak, mag-ingat ka. I love you!" paalam ni papa.

Lumapit ako sa kanila at yumakap ulit.

"Ba-bye, I love you all!" nag-flying kiss pa ako at lumabas na.

"Bye ate, I love us!" tumatawang paalam ni CL.

"Bye! I love me!" sagot ko 'din na ikinatawa nilang lahat.

Lumabas na ako at nagmadaling magmaneho. 4:30am na! Malapit na akong malate.

Tangina, bakit ngayon pa na-traffic! Bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil malapit na mag-start ang meeting.

Lagot ako ne'to!

"Sec. Garrette! Nagsimula na ang meeting!" sigaw ni Khae.

Lahat ng employee ay wala na sila dahil paniguradong nasa meeting room na.

Lahat ng employee ay wala na sila dahil paniguradong nasa meeting room na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now