CHAPTER 12

878 21 0
                                    

“Nandito ba, boss mo?” nakangiting tanong ko.

“Meron po, ma'am. Sino po sila?”

“Sec. Garrette Chin. Secretary of Watson Company.” pakilala ko sa kaniya.

“Sec. Milda, ng GSI Company.” pakilala niya at nakipag-kamay. “This way, Sec. Garrette,” pauna niya sa daan. Sumunod naman ako sa kanya at sumakay kami ng elevator papunta sa third floor.

Maganda ang company nila, hindi ko nga lang alam ‘kong marami silang share’r gaya sa amin. Maliit lang ito at hindi sinlaki ng sa'min.

“Boss, you have a visitor.” sabi ni Sec. Milda sa boss niya.

“Come in.” sagot ng isang boses na matanda.

Iniwelta na sa'kin ang pinto at dahan-dahan naman akong pumasok. Tumango muna ako bago ngumiti sa isang matanda. Sinarado na'rin ng Sekretarya niya ang pinto para sa privacy na pag-uusap namin ng kanyang boss.

“Sit down, beautiful lady.” ngiti ng matanda at pina-upo ako sa sofa. Malaki ang office niya, sakto lang naman sa kanya. Tambak nga lang ng papers ang table niya.

“How can I help you?” taas kilay na tanong niya at naupo sa tabi ko.

Tae, may sofa naman sa tapat ko, ah!

“Oh, sir. I’m going to straighten the point...Sec. Garrette Chin from Watson Company.” diretsahang pagpapakilala ko.

“Ow, Watson Company ang isa sa mga kilalang famous company, right lady?” tanong niya.

“Yes sir.” nakangiting sagot ko. Hindi na muna naituloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto. Sec. Milda bring us a juice.

“Thank you, Milda.” tumango lang ang Sekretarya.

Wag ‘mong inumin ‘yan Garrette may poison! Joke!

“Alam ko na ‘kung bakit ka nandito, dahil sa voting right?” tanong niya sa'kin.

“Tama po kayo, sir.”

“Actually meron ‘din akong bisita mamaya, but you're so lucky na nauna ka. Kukunin 'rin nila ang vote ko.” paliwanag niya at pinagapang ang kamay sa sofa malapit sa binti ko.

Eto na! Eto naa!! Eeetooo naaaa!!!

Tumayo muna siya para kunin ang laptop para sa voting. Once he pressed our Company name hindi na ito mababawi pa kaya kailangan ‘kong utuin ang matanda na ‘to!

Mukha nga lang manyakis!

Naupo ulit sa tabi ko pero mas malapit na sa'kin. Linabas ko na'rin ang isang papers para ma-sign na niya ito.

Bawal maulit ang voting isang company, isang vote. Kaya dapat bilisan pa ng mukong na ‘to!

“Can you sign this first, sir?” tanong ko sa kanya at inabot ang papel.

Kinuna naman niya kaagad ito at pinagapang ang kamay sa binti. Nailayo ko ito kaagad dahil sa gulat.

“Don’t worry, beautiful lady.” ngisi niya sa'kin. Pinagpatuloy ang haplos niya sa binti ko habang pini-pirmahan ang papel.

Sinasadyang sinagi ko naman ang kamay niya para matanggal sa binti ko ng kunin ko na ang napirmahan niya.

Isa nalang, Garrette! Pag napindot muna ‘yan automatic aalis na ako dito! Hindi mo na'rin ‘yan mababawi dahil naibilang na sa'min.

The Ceo Secretary ( #1 )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin