CHAPTER 23

791 23 0
                                    

Natapos na ako sa pag-grocery kaya pumila na kami sa cashier kaagad dahil nagugutom na kami.

Imbis na ‘yung binili ko ang tignan ng lintik na cashier, eh si Lei pa talaga tinitigan.

“Huy!” tawag pansin ko sa kanya ng hindi tinitignan ang ginagawa.

“A-ah s-sorry, Ma’am.” nahihiyang paumanhin niya bago binalik sa trabaho ang ginagawa.

Lakas kasi ng appeal nitong kasama ko, jusko!

Sinamaan ko naman kaagad ng tingin si Lei ng nag-pipigil ito ng tawa sa gilid habang nakatingin sa'kin.

Sabay kaming nag-abot ng pambayad si Lei kaya napatingin ako sa kanya ng card ang iabot habang ako ay cash.

“Ako na.” pigil ko sa kamay niya.

“No.”

“Cash ‘yung akin kaya mas madali.” pinandilatan ko ito sa mata pero hindi nag-patinag.

“Miss, take this.” abot ni Lei sa cashier kaya kinikilig naman na inabot ng babae ang card na hawak ni Lei.

Matapos mabayaran, nag-babangayan na naman kami ni Lei habang naglalakad papunta sa isang kainan.

“Bakit mo ba binayaran ‘yun?”

“Gusto ko.”

“Sa bahay ‘yun kaya hindi mo na dapat binayaran.” inis na sagot ko sa kanya.

“Love, tapos na okay?” mainahon na pagsuko niya.

'Kung tapusin ko kaya mukha mo!

Pumasok kami sa isang sikat na kainan dito sa mall at naupo sa pinaka-gilid, tapat ng malaking glass window. Siya na ang umorder at ako na ang nag-bantay sa pinamili namin. Wala ‘pang-ilang minuto nandiyan na ang pagkain namin kaya sinimulan na namin ito ng walang imik.

“Saan tayo pupunta pagkatapos nito?” tanong ni Lei habang may pinipindot sa selpon.

“Sa store ng gown.” agad na sagot ko.

“Huh? Para saan?” nagtatakang tanong niya.

“Ikakasal na kasi ako, next week.” pagbibiro ko sa kanya.

Ngumiti naman siya ng malawak. “Maganda ‘kung ganon.”

“Talaga, at pagkatapos ‘non...gagawa kami ng maraming anak.” pag-mamayabang ko pa.

“Talaga, exciting. Saan ‘bang simbahan?”

“Hindi ko sasabihin, hindi ka naman invited.”

“Pa’no ako makaka-punta sa kasal...na'tin...'kung hindi ako invited?”

“Huh? Anong kasal, hindi ikaw ‘yun no!”

“Then sisiguraduhin ‘kong walang maghihintay sa'yo sa altar, dahil mawawalan na sila ng hininga pag-dating sa araw ng kasal niyo.” ngisi niya sa'kin.

Bakit sila? Ilan ba ikakasal ko, sampu?

“Bakit nag-seselos ka?” asar ko ulit sa kanya.

“Yes. At sisiguraduhin ‘kong aanakan kita agad, bago ka mapunta sa iba.” kagat-labi niyang sagot.

Napa-iwas naman ako kaagad sa tingin niya at tumingin sa iba baka may makakita sa ginagawang kaba-duyan ni Lei sa harap ko.

T*ngina, edi ‘kung ganon simulan na na'tin! Mwehehehe!

Natapos naman na kaming kumain kaya dumiretso kami sa store ng mga, dress at iba't-ibang gown para sa party bukas ng Company.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now