CHAPTER 21

800 22 1
                                    

Naglakad muna ako papunta sa meeting room para mag-pahinga sandali. Ayoko namang bumalik sa employees room dahil para silang mga siraulong aso, ngisihan ba naman ako.

Pag-dumiretso naman ako sa cafeteria pati si Angeline ngumingiti sa'kin.

Ano na 'bang nangyayari dito? Bakit ako out-dated!

Kaninang pumasok ako pati si Manong Guard nang-aasar ng ngiti. Si Manang Janitress kinikindatan ako.

Oh di ba, mga siraulo!

Ano ba kasing sinabi mo ha, Lei!

Dapat ako 'yung unang makaalam dahil sekretarya ako, pero bakit ako pa 'yung nahuhuli sa balita!

Umupo muna ako sa gilid bago inihiga ang ulo sa lamesa, nag-iisip 'kung paano ba malalaman ang nangyayari.

Pati mga kaibigan ko nadadamay sa kabaliwan ni Lei!

Pag-talaga nalaman ko 'kung ano iyan, ngingisihan ko rin kayo na parang tanga. Hanggang sa mabaliw kayo kakaisip!

Kahit pa-meeting wala?

Ilang oras muna akong nag-pahinga doon bago naglakad ulit pabalik sa office. Hindi ko na pinansin ang mga nadadaan ko dahil puro sila baliw.

Dire-diretso akong pumasok at walang katok-katok na sa pintuan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala na si Khae sa loob. Naka-sandal naman si Lei sa swivel chair niya at naka-taas pa ang dalawang paa sa table nito.

Magpasalamat ka ikaw ang boss, 'kung hindi nakuuu...bwisit!

Dumiretso ako sa table niya para kunin ang gamot ko sa bag para mapahidan ko ang tiyan ko kaagad.

Tungunu kumikirot!

Kinakalikot ko table niya kaya nagising siya sa pag-mumuni muni.

"What is it?" nagtatakang tanong niya at inilapit sa table ang upuan. Hindi ko ito pinansin at abala pa'rin sa paghahanap. "Hey!" kalabit niya sa'kin.

Manigas ka, tawagin mo 'yung Khae mo 'dun ka magtanong.

"Hey, baby." pag-uulit niya. Naaawa na ako sa kanya, parang nawalan ng bente.

Pinigilan ko naman ang matawa tiyak kikirot tiyan ko ne'to.

Sige lang.

"Garrette," pag-hihila niya sa buhok ko. Hindi ko pa'rin ito pinapansin at inabala ang sarili sa paghahanap. "Louiza," pagpapatuloy niya.

"Chin... Garrette Louiza Chin!" buo niya sa pangalan ko.

Pesteng gamot oh, asan ka na ba!

"Hey, honey! Pansinin mo nga ako!" pagmamakaawa niya pa. Hinila niya pa lalo ang buhok ko hanggang sa makalapit ang ulo ko sa kanya. "Baby, darling, sweetie, sweetheart, honey, love, babe... sweetie pie!" pagtawag niya sa mga endearments 'pang iba. Natatawa talaga ako sa huling tawag niya kaya umiwas ako tingin.

"Mrs. Watson! Pag di mo ako pinansin aanakan kita dito!" pagbabanta niya pero hindi ako nag-patinag.

'Kung ganon...simulan na na'tin! Chaarrr.

"Isa...baby," nagsimula ng mag-bilang ang hunghang. Hinila ko naman na ang ulo ko ng makita ko ang herbal oil kaya ngumiti akong sinuri ito.

"Dalawa..." pag-papatuloy niya at handa na itong tumayo. Naglakad ako sa kabilang side niya para pumunta sa banyo.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now