17

10.9K 409 80
                                    

______________________________________

Rizzel

Kinabukasan ay hindi na sana muna ako papapasukin ni Als at bantayan ko nalang raw muna si lola pero ako itong mapilit na pumasok.

"Summer? Oras na para sa gamot mo." Inilapag ko ang dala-dala kong tray at napatitig sa malaanghel niyang mukha.

"Summer, gising na, oras na para sa mga gamot mo." Napakunot-noo ako at napatingin sa relo ko.

Ganitong oras ay gising na siya ah.

"Summer?" Mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman kong may pulso pa siya.

"Summer? Summer." Kinakabahan ay kalmado kong pinindot ang button na magtatawag sa mga iba pang nurse at doctor.

Wala pang ilang segundo ay dumating na ang iilang nurses at ang doctor na nakaassign kay Summer.

"What happened?"

"The patient is not responding, Doc." Tumabi naman ako para matingnan siya ni Doc.

"But the patient has pulse doc."

"How long have you been here Rizzel?"

"Maybe about 5-10 minutes Doc." Napabuntong-hininga naman si doc.

"Prepare the ICU." Nagulat ako sa sinabi ni Doc at parang hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko.













"Rizzel, Riz, kitty." Parang natauhan naman ako at napatingin sa taong nasa harap ko.

"Ang putla mo, ayos kalang?" Napatingin ako sa kamang hinihigaan lang kanina ni Summer.

"A-anong nangyari?"

"Summer was put in Intensive Care Unit for more monitoring and tests." Para naman akong mabubuwal sa pwesto kaya agad akong napahawak kay Alexis.

"B-bakit r-raw?"

"Nagka-heart attack si Summer kaninang madaling araw, Kitty. She maybe in and Induced Coma now." Napakunot-noo ako at napatingin sakanya.

"Bakit? N-naguguluhan ako Als."

"Shh, listen to me, calm down first and I'll explain everything to you." Napatango-tango naman ako kaya inakay niya ako paupo sa upuang malapit saamin.

"Usually, after heart attack, the swelling puts pressure on the brain. This reduces blood flow and oxygen supply to the brain, which can damage the brain tissue. Inducing a coma allows the brain to rest, kitty."

Napapikit naman ako at sumandal sa dibdib niya.

"Excuse me? Where's the patient here?" Sabay kaming napabaling ni Als sa isang lalaking modelo ang dating.

"Do you mean Summer---

"Yes! Where is he?"

"He's in the ICU---

Hindi na natapos ni Alexis ang sasabihin ng biglang tumakbo paalis ang lalaki.

Napatingin naman ako kay Als ng mapabuntong-hininga siya.

"Kilala mo ba yun?" Tumingin naman siya saakin at ngumiti.

"Yeah, pero parang ayokong ikwento kung paano at bakit ko siya kilala, kitty. Sometimes there are people who's not worth talking about. Come on, pupunta nalang tayo sa kwarto ng lola mo." Napatango naman ako at tipid siyang nginitian.

_____________________.

Gabi na pero andito parin ako. Tapos na ang shift ko pero hindi na ako umuuwi sa bahay. Minsan kasi sa kwarto na ni lola ako natutulog at sa office naman ni Alexis ako naghahanda para sa shift ko.

Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETEDWhere stories live. Discover now