08

11.7K 420 23
                                    

______________________________________

Rizzel

Konti nalang, mabubugbog ko na ang lalaking toh.

"Stay still kitty, malapit-lapit narin tayo." Masama ko siyang tiningnan bago napabuntong-hininga.

"Bakit mo ba ako sinama dito, Alex?" Saglit naman siyang napatingin saakin.

"Wala akong kasama."

"You could have drag someone else, bakit ako pa?"

"Bakit hindi ikaw?" Marahas akong napabuga ng hangin at napasandal sa upuan.

"Minsan, hindi kita naiintindihan Alex." Ang sabi ko bago pumikit ulit pero wala akong nakuhang sagot sakaniya.

"We're here, Riz." Dahan-dahan naman akong nagmulat at napahikab.

"Saang lupalop sa mundo na ba tayo ah." Napakamot ako sa batok ko at napanganga ng mapatingin sa labas.

Bongga! Labas palang, sumisigaw na ito ng maraming datung!

"Let's go?" Napatango naman ako at lumabas na ng sasakyan.

"Wow, mukhang ang ganda dito, Als." Napatingin ako sa kanya ng tumigil siya sa paglalakad.

"Oh, anyare sayo?"

"Who's Als?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"Sino?" Naguguluhang tanong ko.

Adik ba tong lalaking toh?

"Tinawag mokong Als, it's obviously not my name? Are you thinking about someone while you're here with me?" Napatampal ako sa noo ko at napailing-iling.

"Kung naslow ako sa tanong mo mas slow ka parin."

"Pardon?" Inirapan ko siya at huminga ng malalim.

"Tinatamad akong banggitin ang Alexis o Alex kaya pinaikli ko sa Als, okay? Okay ka na?" Bigla namang lumiwanag ang mukha niya at tumango-tango.

"Tsh, tara na nga." Nakangiting lumapit siya saakin at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Nagulat naman ako at sinubukang alisin ito pero ang lakas ng gago.

"Ano ba? Bitiw bilis."

"Na-ah."

"Alexis Boromeo."

"Not gonna happen kitty, tara na nga." Nagpatinaod nalang ako ng magsimula siyang maglakad.

Kung maganda sa labas, pinakamaganda naman sa loob. Nakaawang ang bibig ko habang naglalakad kami papunta sa hindi ko alam kung saan basta masyado akong naooccupied Sa ganda ng reson na toh.

"Bro, buti naman maaga ka." Hindi ko gaano pinansin ang kausap ni Alex kasi masyado akong nasisiyahan sa paglibot ng tingin dito.

"Oh, you're with someone?" Doon na nakuha ang atensyon kaya napabaling nako sa harapan.

"Hi, Im Raven Yves." Ngumiti naman ako at makikipagkamay na sana ng hawakan ni Alex ang kamay ko.

"You can introduce your names without shaking hands, by the way, his name is Rizzep Arcillas." Napangisi naman itong si Raven kay Als.

"Sasabay ka ba kay Villarde, Boromeo?" Napailing naman itong katabi ko bago ako hinila papaupo.

"Sit here beside me at wag kang aalis." Napairap naman ako at pinagkrus ang paa ko bago napasandal sa upuan.

Sumunod naman si Raven saamin at umupo rin sa kaharap ng upuan ni Als.

"So tell me, kagagaling niyo lang ba sa trabaho? Or not?." Napaiwas naman ako ng tingin at hindi umimik.

Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon