10

11.6K 448 29
                                    

GOODMORNING! ENJOY READING BLUES!
______________________________________

Rizzel

"Oh, anyare sayo Riz? Namumula ka ata." Nakatakip parin ang kamay sa bibig ko nang humarap ako kay Jezrie.

"Gurl, ayos kalang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Umiling-iling naman ako sa tanong ni Jin at hukinga ng malalim.

"He! Ewan ko sayo, sumagot ka kasi ng maayos, by the way, sama ka?." Napakunot-noo naman ako at tinanggal na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ko.

"S-saan ba kayo?"

"Maliligo, tara!." Napakibit-balikat nalang ako at sumunod sakanila.

"Susulitin ko na toh baka hindi na ako pakawalan ng kambal mamaya." Nagdadramang sabi ni Jezrie na ikinailing namin ni Jin.

"Instant mommy ka na talaga baks." Napangisi naman si Jezrie at nagflip hair pa.

"Ganyan talaga kapag magaganda." Napaismid naman ako at napatingin kay Jin na nagpipigil ng tawa.

"Hoy Rizzel, kanina ka pa tahimik ah." Tinaasan ko naman ng isang kilay si Jezrie at umiling.

"Wala nga toh, tara na nga lang doon sa medyo malalim." Naglakad na nga kami papunta sa medyo malalim na bahagi ng dagat.

"Marunong naman siguro kayo lumangoy noh.?" Natatawang napatingin naman ako kay Jin.

"Mahilig akong maligo sa ilog dati saamin." Agad kong sagot. Magkahawak ang kamay naming tatlo habang palutang-lutang sa tubig.

"Mga baks, tama na, hanggang dito nalang tayo, feel ko kapag maglakad pa tayo hindi ko na mareach." Pareho kaming natawa sa mukha ni Jin.

"Para kang natatae Jin! Ano ba, ba't ka ba takot? Sa pagkakaalam ko marunong ka namang lumangoy." Sinamaan naman ng tingin ni Jin si Jezrie.

"Letse ka, kung hanggang bewang ko lang yung tubig siguro oo pa, pero ibang level na tong hanggang bunganga---pwe!." Malakas akong natawa ng makainom ng tubig dagat si Jin.

"Hoy kaloka! Uhaw na uhaw baks?" Pang-aasar ni Jezrie sakanya.

"Tumahimik nga kayong dalawa." Napaiwas kami ni Jezrie ng wisikan niya kami ng tubig.

"Hoy! Hahahah!"
"Jin! Hahahha." Kaya ang ending na wisikan kaming tatlo hanggang sa lumangoy palapit saakin si Jin.

"Hoy akala ko ba---hmp!" Natatawang pumiglas ako ng yumakap siya saakin.

"Jezrie! Tulong!."

"Bitiwan mo siya! Akin lang ang asawa ko!." Napairap ako habang tawang-tawa naman si Jin kung kaya't tinulak ko papunta kay Jezrie.

"Ewness ka gurl, parehas rin tayo ng bet." Natatawang sabi ko at winisikan silang dalawa.

"Hoy alam niyo ba!" Natatawang lumangoy naman ako palapit sakanya.

"May mga gwapo akong nakita kanina, hahahah!" Binatukan ko si Jin dahil sa sinabi niya.

"Aray naman gurl, ba't ba?!" Napailing -iling ako at huminga ng malalim.

"Mas gwapo pa ba sa mga lalaking nasa cottage ha." Napatingin naman sila doon ng ilang segundo bago binalik ang tingin saakin.

"Hindi." Mabilis niyang sagot.

"Pero may malaking possibility na mabingwit mo yun ng hindi nasasaktan kesa sumugal sa alam mong delikado ng daan diba?" Napatingin ako kay Jezrie na umiling-iling.

"Ayoko, malalagot ako niyan." Matamis ko siyang nginitian pati narin si Jin.

"Saan ba?" Bulong ko sakanya na ikinangiti niya.

Bachelor Series 6: The Doctor's wheeze [BXB] COMPLETEDWhere stories live. Discover now