KABANATA 33 - It's Too Late

Start from the beginning
                                    

Ouch. Isa na ako doon. Natawa nalang ako. It's better than 0, though.

Box number two: 17 petals

Yung member ng Il Divo. Grabe yung boses niya! Parang nanggaling sa conservatory.

Box number three: 48 petals

Oh my God. Sana 49 yung huli! Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang pagpitig ng puso ko.

Box number four: 47 petals.

"What?" pabulong kong tanong. Hindi ko ininda ang lakas ng sigaw ng audience. Parang walang ingay sa paligid habang nakatitig ako sa Allister na umaakyat at kalaki-laki ang ngiti.

Naiinis ako! Bakit? Ewan ko! Bakit siya pa ang nanalo!? Naiinis ako.

"Congratulations, contestant number 3! Ano po ang pangalan natin?" tanong ng babae.

"Allister Collado po. Maraming salamat po!" ngiti niya.

Pinakibot ko ang bibig ko. Salamat mo mukha mo.

"Okay, Allister. Ngayon, may 20 thousand ka na at makakasama mo si Jack V sa isang recording! At siyempre, hindi natin makakalimutan ang pagkanta mo para sa isang mahal mo sa buhay."

Why on earth do I care? Kabuisit lang. I still end up standing next to this stupid barricade. Talagang ayaw akong palabasin ng mga ito!

"Uhm, may God bless the team who made this event possible. Dahil matagal na akong naghahanap ng tamang momento para ikanta ito sa kanya. Believe it or not, girl, nakita na kita. Alam ko kung nasaan ka ngayon." Napalunok ako. Huwag kang assuming, Allyse! Si Michelle ang tinutukoy niya. Siguro kasama niya ngayon.

"At alam kong sa ibang box mo inihulog ang petal mo at hindi sa box ko."

Nag-ooh naman ang audience. Bummer! It was freakin' me! Darn it! I saw the girl beside Allister mouthed the word 'ow'.

"Alam kong galit ka sa akin. Alam kong ayaw mo sa akin." banayad niyang wika. Ngayon, pakiramdam ko, parang kami lang dalawa ang nasa mall.

Kumalabog ang puso ko nang may narinig akong nagbulungan sa likod ko.

"Diba, ikakasal na iyan?"

"Oo nga. Oh my gosh!"

Kinagat ko nalang ang dila ko. His lips became a fine horizontal line as he roam his eyes across the crowd. Kinagat ko pa lalo ang dila ko nang tumigil ang tingin niya sa akin. But then he flicked his sight away from mine.

"Pero hindi ko alam kung anong meron sa iyo na hindi ko mahanap sa iba. I know this sounds cheesy but, it pains me to know that you like that guy in States and I feel sorry for myself for being delinquent... Now, you're together... I didn't expect you would say those words: 'Kung alam mo lang sana ang nararamdaman ko kay...' then you said the name of the guy." tumawa siya pero hindi iyon nakakatawa.

Wala ring nagreact sa audience. Lahat tahimik. Tinignan ko sa second floor at sa third floor na may mga nanonood na rin. May naguudyok sa aking umalis na but my heart wanted to know something I should already know long time ago. It's like my heart is longing for something from him.

"Man, I'd give the whole world to turn back the time, miss. I would trade anything just to make this right. That's why I'm here, hoping that I would win... and I did. So, this song I wrote is for you, miss."

Nang pumalakpak ang mga tao ay halos tignan ko sila dahil parang palakpak sa isang serene concert; hindi masakit sa tainga.

My darn vision became blurred from my tears. So, what was it all about, Allister? Misunderstanding? Ganun ba ang gusto mong ipahiwatig? Pero nagpatuka ka pa rin sa Michelle na iyon!?

May ibinigay sa kanyang gitara at isinabit niya iyon sa katawan niya. Nagsimula na siyang tumugtog. Tahimik ang paligid.

You take the weight
You take it all
You can take everything
I'm feeling so tired
And for so long
I need you now
I need you next to me

It doesn't matter where you go
You're still a part of me
I don't know much
But I know you are always somewhere
I'm telling you from the heart
You know I love you most
If I break or fall apart
You're always somewhere close

Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa pagpigil ko ng iyak.

"Allister." bulong ko sa sarili ko. "Allister..." suminghap ako dahilan na may mga lumingon sa akin. Mabilis kong inayos akong mukha ko pero napansin na nilang mangiyak-iyak ako.

Nagtaka ang mga nasa paligid ko at nakakuha ako ng atensyon. Crap! Dumeretso nanaman ang tingin ko kay Allister nang makitang bumababa siya ng stage at dahan-dahang kinakain ang distansya namin.

It doesn't matter where you go
You're still a part of me
I don't know much
But I know you are always somewhere
I'm telling you from the heart
You know I love you most
If I break or fall apart
You're always somewhere close

I looked right to his eyes and I saw sincerity and longing. Nasilayan ko ang mahinang ngiti niya habang papalapit siya sa akin at kumakanta pero mahina akong ngumiwi.

No, Allister. It's too late. You're getting married. You can't just ruin it. It's too darn late!

Bago pa ako bumigay sa iyak, tinalikuran ko siya at tinulak ang mga nakaharang sa daan.

Now, I heard the commotion but I didn't care. All I wanted was to get out of the mall. Napansin ko na ring tumigil sa pagkanta si Allister.

Pagkalabas ko ay agad akong pumara ng tricycle.

Allister, it's too late. I'm sorry!

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now