KABANATA 33 - It's Too Late

Start from the beginning
                                    

Hindi ko napansin ay may umakyat nang babae sa stage. First contestant? Nagsimula na siyang kumanta.

Laglag ang panga ko at tumaas ang dalawang kilay. Lalo lang dadami ang tutuli ko sa tainga nito.

Dahil sa naboring ako, kumuha ako ng candy sa bulsa ko at kinain iyon. Iilan lang ang nagpalakpak nang natapos ang babae.

Sumunod naman ang contestant number 2. Lalaki naman. Halos matawa ako dahil pang Il Divo ang boses niya. Pero in fairness, magaling siya! Tinignan ko ang relo ko, malapit nang mag alas-onse pero okay lang. Madali lang magluto ng chapseuy.

Narinig kong lumakas ang hiyaw lalo na ang mga babae at nagsipalakpakan kaya agad na lumingon ako sa stage.

Okay, I changed my mind. Uwi na ako.

Nag-o pa ang bibig ko para bigkasin ang 'what' pero natigil nalang sa o.

Si Allister? Kakanta? Pwe! Hindi ko alam pero parang nacurious ako kung paano kumanta itong mokong na 'to. Tatawanan ko ba o-

I had a dream the other night

Agad na sumigaw at kinilig ang mga babae. What the hell? Anong nangyari sa mga ito?

About how we only get one life
Woke me up right after two
I stayed awake and stared at you
So I wouldn't lose my mind

And I had the week that came from hell

Gosh! I'm starting to breathe heavier! Si Ed Sheeran ba ang nasa harapan?

And yes I know that you could tell
But you're like the net under the ledge
When I go flying off the edge
You go flying off as well
And if you only die once
I wanna die with

You got something I need
In this world full of people, there's one killing me
And if we only die once,
I wanna die with you (you, you, you).

Lalo lang akong sumiksik sa mga tao. Baka makita pa ako. Naramdaman ko ang petal ng rose na nasa kamay ko pa. Kahit huwag nang kumanta yung huli, kay Allister ko na ito ibibigay. Kaso, ayoko. I will just keep this.

Halos magsabunutuan itong mga katabi kong mga babae dahil kinilig. Napakamot nalang ako. Nagthank you si Allister bago bumaba at sumunod na umakyat ang isang payat na lalaki; nagsimula nang kumanta. Halos napapantayan niya si Allister. Magaling din kumanta.

I have to go home. Sigurado akong si Allister din naman ang mananalo. Nang tumalikod ako ay nabigla ako dahil ang daming tao sa likod ko. Hindi ako makakasingit nito! 

Huminga ako nang malalim para lumamig ang ulo ko. Naiinis ako! Hindi na sana ako nanood. Kaya no choice. Nandoon pa rin ako sa barricade. Naghihintay na matapos ang event para makalabas na.

"Okay! Thank you contestants number 1, 2, 3, and 4. Now audience, I will give you around 5 minutes to come and drop your petals in the preferred boxes." Biglang hinila ng nasa kabilang side ang barricade kaya parang ako pa yata ang mauunang pumasok.

"Aray!" people, men and women, pushed me inside and walked past me para makipag-unahan sa mga boxes. Ako naman, nagpatianod lang. Urgh! Ayoko ngang lagyan ng petal yung box ni Allister e!

Huminga ako nang malalim nang malapit na ako sa mga box. Nilagpasan ko ang box number 4, 3, 2, at sa number 1 ko inihulog ang petal. Bahala na.

Sana hindi manalo yung mokong na iyon!

Wala pang limang minuto ay natapos iyon. May automated counter ang ilalim ng boxes na iyon para mabilang ang mga nailagay na petals. 

Box number one: 3 petals

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now