“Bat may mga pasa pa?” salubong na tanong ni Lei habang nakatingin sa tiyan ko doon sa salamin.

“I don't know, baka mawawala rin ‘yan siguro.” hindi kumbinsidong sagot ko.

Not sure.

Pinahidan ko na bago nag-hugas ng kamay at nauna ng lumabas sa banyo.

“Ipatingin kaya na'tin sa doctor?” suhestiyon niya.

“Wag na, matatanggal din ‘yan.” tanggi ko. Kinuha ko na ang dokumentong pag-aaralan ko bago lumabas ng office.

Iniwan ko ‘don si Lei na may kausap na selpon bago sinimulan ang pag-pindot pindot sa laptop niya. Dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng coffee muna.

“Ano po ang inyo, Sec. Garrette?” tanong sa'kin ni Angeline.

“Isang cappuccino at coffee latte.”

“Sige po.”

Binasa ko muna ang hawak ‘kong dokumento habang hinihintay siya. Ang iba namang nandito sa cafeteria ay nag-uumagahan at sinasabay ang pagtratrabaho sa kanilang laptop.

Busy naman agad ang mga tao ngayon.

Agad ko ng binayaran at inabot kaagad ang coffee bago bumalik na sa office. Binaba ko sa harap ni Lei ang coffee kaya napatingin sa'kin.

“Thank you.”

Suminsim na siya bago binalik ulit sa laptop ang attention.

Bakit ba busy kayo? Eh, ako pa-chill chill lang.

Cappuccino ang akin at coffee latte naman sa kanya. Umikot ako para matignan ang ginagawa niya. Puro naman sa kumpanya iyon kaya agad akong bumalik sa table ko para buksan din ang laptop. Napasapo ako sa noo ko ng makitang may email akong na-receive.

Binuksan ko iyon kaagad pero nawala rin ang kaba ko ng galing iyon kay Ally.

Ano naman kayang kailangan ne'to.

Kailangan nila ngayon ng copies sa mga details ng produkto kaya agad ‘kong hinanap sa folder ko ang dokumentong tinago ko. Nakalkal ko na lahat pero wala pa'rin akong makita.

Asan na ba ‘yon?!

Hinanap ko sa laptop ko ang copies kaya agad naman akong nakaginhawa ng nandon ito. Sinend ko muna ang copies kay Ally bago binuhat ang laptop patakbo sa Xerox room para i-print lahat ito. Sinet ko na lahat at hinihintay nalang na matapos. Naalala ko ‘yung ibang dokumento pa sa kotse ko kaya iniwan ko muna ‘don sa room ang laptop bago tumakbo ulit pabalik sa office para kuhanin ang susi ko.

Kinalkal ko sa bag ko at tumakbo palabas ulit papunta sa elevator. Hinintay ‘kong bumukas ito pero laking gulat ko ng si Khae ang bumungad. Pumasok na ako kaagad at pinindot ang parking area. Napatingin ako sa relo ko ng 8am na kaya baka kailangan na nila ito. 43minutes na kasi nitong naisend kanina kaya baka hinihintay na nila.

Walang kumikibo sa aming dalawa hanggang sa mag-ring ang kanyang selpon.

“Oh?” sagot niya sa kausap. Hindi ko naman marinig ang sinasabi ng kausap kaya bumaling nalang ako sa ibang attention.

“Bakit ba? I-print ko nalang! Dalhin mo sa office ko ngayon na!” iritang sagot niya sa kausap bago pinatay ang tawag...

Bumukas na ang elevator kaya agad akong tumakbo sa sasakyan ko.

‘Yung gas pala na pinabili ko kay, Ashanthy.

Binuksan ko na kaagad at kinuha sa back seat ang mga dokumento doon bago sinara.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now