Dumiretso ako sa parte ng Evening Gown para kay mama. Napatingin ako sa isang long gown stripe maroon at gray na may nakakasilaw na diamond design. Nilapitan ko ito kaagad at agad na hinawakan.

Wow, bagay na bagay ito kay mama!

Kahit may edad na siya, maganda pa'rin ang pangangatawan niya.

“Hi, ma'am. Bago po iyan na dating, bagay na bagay po sa inyo lalo na sa gabi.” sabi ng isang saleslady na naka-ngiti sa'kin.

Binalingan ko naman si Lei sa likuran ko pero hindi siya naka-sunod sa'kin, naka-upo na ito sa may waiting couch na tila may kinaka-usap sa selpon at naka-ngiti ito.

Sino naman kaya nag-papangiti sa kanya.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa babae ng may pekeng ngiti sa labi.

“How much this, miss?” tanong ko sa kanya.

“₱3,999 po ma'am.”

Gulat akong napatingin sa kanya.

Ang mahal naman.

“Mahal pala.”

“Opo, from U.S. po kasi ang brand na ito at original talaga.”

“O-okay, I’ll take this.” agad na sabi ko sa kanya at tumingin naman ako ng para sa'kin.

Nag-ikot muna muna ako hanggang sa may makitang Silver fitted dress hanggang sa taas ng tuhod at may strap sa gilid ng legs niya. Sleeveless ito kaya bagay sa gabi.

“Hey miss, can I try these?” tawag ko sa saleslady.

“Yes, ma'am.” nakangiting sagot niya at kinuha na niya ito sa manekin bago binigay sa'kin.

Pumasok naman na ako kaagad sa fitting room at isinalamin sa katawan ‘kung bagay ba ito sa'kin. Hindi ko naman maisuot sa katawan dahil sumasakit ang tiyan ko. Lumabas na ako para sana tanungin si Lei ‘kung bagay ba sa'kin ito pero agad naman akong lumiko sa ibang direksiyon.

Wag na pala.

Meron siyang kinakausap na modelong babae kaya enjoy na enjoy siya, nakita ko naman ang haplos ng babae sa balikat ni Lei kaya baka may pinag-uusapan sila.

May kaunting kirot sa dibdib ko kaya agad akong dumiretso sa cashier para bayaran na ang kinuha ‘kong para sa amin ni Mama.

“₱6,456 ma'am.” ngiti ng cashier sa'kin. Agad ko namang inilabas ang pitaka ko at binayaran na kaagad.

“Thank you.” agad na sabi ko bago hinatak ang paper bag paalis.

Bumalik na ako ‘kung nasaan si Lei kanina pero wala na ang babaeng kausap niya.

“Hey, you're done?” naka-ngiting tanong niya.

Eh ikaw? Tapos ka na ‘bang makipag-usap sa babae mo?

“A-ahh, oo.” matamlay na sagot ko at binuhat na ang mga pinamili.

“Ako na.” kuha ni Lei sa mga bitbit ko kaya binitawan ko na ito kaagad para hindi na mapahaba ang usapan.

Tumalikod na ako kaagad at dumiretso na sa parking area. Binuksan ni Lei ang likod ng sasakyan niya kaya doon namin nilagay ang mga pinamili.

“Daan muna tayo kina, mama, bago umuwi.” saad ko sa kanya ng naka-pasok na kami sa kanyang kotse.

“Sure, love.”

Halatang masaya ito ha.

Ano kayang pinag-usapan nila.

The Ceo Secretary ( #1 )Where stories live. Discover now