Chapter 37 [Heart]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi naman ako nagexpect. Alam ko namang ang mga salitang 'yun ang isasagot ni sir." Sagot ni Rowena.

"Kaya ka nga nasasaktan dahil umasa ka." Sagot ko.

"Hindi kaya ako nasasaktan."

"Naku, halata sa itsura mo. Hindi naman masamang umasa basta, wag lang sosobra ang umasa dahil tagos sa puso ang sakit kung umaapaw ang umasa sa taong wala namang aasahan. Ang mahalaga, buhay pa tayo. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw."

"ANG DALDAL NIYO! KANINA PA KAYO NAGKUKWENTUHAN JAN!" Singit ng katrabaho kong si Mary Jane pero ngumiti lang kaming dalawa.

Matapos ang siyam na oras ng pagsisilbi ko sa restaurant. Gabi na nang makaalis ako. At binabaybay ko ang daan patungo sa aming bahay.

"Elizabeth!" Napatingin ako sa likod kung saan nangagaling ang boses ng tumawag sakin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang lalaking nagtatatakbo papalapit sa akin.

Si Prince Zach..at naalala ko 'yung pinabasa niya sakin. I think of you everyday. Kinagabihan nung binigay niya 'yun sakin, siguro lagpas 100 times ko 'yung binasa. Hindi kasi ako makatulog. 4 hours nga lang tulog ko nun dahil saya at kilig na bumabalot sd buo kong pagkatao.

Tumigil na siya sa harap ko at binigyan ko lang siya ng ngiti. Kapag nga nakikita ko siya, para akong naninirahan sa panaginip. As in, may kakilala akong prinsipe? Hello! Prince..Royal blood!

"Uuwi kana?" Tanong niya at tumango naman ako. Bumalik na ako sa paglalakad and this time, kasabay ko na siya.

"Ikaw? bakit ka tumatakbo?" Tanong ko naman.

"Hinahabol ka. Baka lumayo ka sakin. Takbuhan mo ako o di kaya tumago ka." Sagot niya at natawa lang ako.

"Hindi ka naman magnanakaw, hindi ka rin mukhang rapist kaya wala akong dahilan para tumago o takbuhan ka unless kikidnapin mo ako."

"Hindi kita kikidnapin. Kung pwede nga kidnapin ang puso mo..matagal ko ng pinakuha sa mga bantay ko."

"Bakit kailangan mga bantay mo pa ang kumuha kung pwede naman ikaw."

"Kapag kasi ako ang kumuha..baka mahulog pa at masambot ng iba. At least kung ang mga bantay ko ang kukuha, iingatan nila ang puso mo dahil iniuutos iyon ng kanilang kamahalan."

Napangiti ako ng pagkalawak-lawak sa sinabi niya. Siguro, ang pisngi ko sobrang pula na sa kilig. Parang yung dugo ko umakyat sa aking ulo. Yung puso ko naman, parang tatalon na sa saya.

"Pero..wag mo na akong pahirapan. Pwede mo namang ibigay nalang sakin ang puso mo." Dagdag pa niya.

"Hindi ko ibibigay sayo ang puso ko.." sagot ko habang hawak ang aking dibdib katapat ng tumitibok na aking puso.

"Bakit?"

"Kasi kung ibibigay ko ang puso ko. Hindi na ako mabubuhay, wala ka ng mamahalin. Ano yun? Puso lang ang kailangan mo, hindi ang tao?" Sagot ko at natawa lang siya sabay ginulo-gulo ang buhok ko.

"Kung puso kasi ang kukunin ko..syempre wala kang magagawa kundi sumama." Sagot niya at itinago ko nalang ang aking ngiti.

Ilang sandali lang sa paglalakad namin ay muli siyang nagsalita.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan ang foggy bridge?" Napatingin ako sa kanya.

Foggy bridge? Foggy..bridge..parang pamilyar siya sakin. Parang may nagkwento na nun sakin. Hindi ko maalala.

"Hindi." Sagot ko.

"I thought you knew it. Magpapasama sana ako sayo. Gusto kong ikaw ang kasama ko sa paglaho ng mga hamog sa umaga."

Tama! Si Vincent..si vincent ang nagkwento niyan sakin. Si Vincent ang may alam kung saan 'yan matatagpuan. Remember? Nung nagovertime ako tapos umupo ako sa duyan ng park tapos may bumato sakin tapos 'yun nagtatakbo ako sa sobrang takot at pagkarating ko sa bahay may naririnig akong bulungan. At 'yun ay si Vincent at Hazel. Nahuli ko pa ngang magkikiss sila tapos pinaliwanag ni Vincent at 'yun nga. Pupunta sila sa Foggy bridge dahil gusto daw ni Hazel makita ang paglaho ng hamog sa umaga. At ang sabi pa nga ni vincent..kapag kasama mo ang mahal mo na pinapanood ang paglaho ng hamog ay magiging forever daw sila.

"Mag couple lang ang pumupunta dun." Sagot ko.

"Apat na araw nalang ang itatagal ko sa pilipinas. Gusto ko bago ako umalis ay makapunta ako sa foggy bridge."

Humarap ako sa kanya.

"Ganito nalang..bukas, gigising ka ng two o'clock tapos magkikita tayo dito. Dito sa bench na'to sa ilalim ng puno. Kailangan agahan natin kung gusto mong makita ang paglaho ng mga hamog sa tulay." Sabi ko habang tinuturo-turo ang bench na katapat namin kung saan kami nakatigil.

"Sasamahan mo ako?" Tanong niya at tumango ako kaya napangiti siya ng pagkalaki-laki.

"Alam ko sasamahan mo ako."

Ano pa nga ba? Wala naman akong choice.

-----------------------------------------------------------------------

Be with him :)

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon