47

388 30 25
                                    

“Can we talk?” tanong ni Drei sa akin nang nasa bakuran na kaming lahat.

“Wala tayong dapat pag-usapan,” hindi nakatingin sa kaniyang sagot ko.

“Baby, I have something to tell you,” sabi naman niya sa mahinang paraan.

Busy ang mga kasama namin sa pagtatanim ng halaman. Hindi ko alam sa kanila kung bakit nila naisipan ang ganito.

“Ano?” tanong ko na sa kaniya at nilingon siya.

“Let’s talk in private, baby,” sabi niya pa.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag na rin sa gusto niya.

“Usap lang kami,” paalam ko sa mga kasama namin.

Sabay-sabay silang tumingin sa amin ni Drei. May nakakalokong mga ngiti sa labi ang mga ito.

Mga baliw.

“Mukhang panalo na ako sa pustahan,” mayabang na sabi ni Austin.

“Panalo na nga tayo,” sabi ni Jatyr at nakipag apir pa kay Austin.

“Galingan mo, Sir!” natutuwang sabi naman ni Angela.

Nagsisimula na naman sila sa mga kabaliwan nilang ganito.

“Pagbalik ko tapos na dapat kayo,” sabi ko sa kanila.

“Pagbalik mo tatlo na dapat kayo,” sabi naman ni Minky kaya nagtawanan silang lahat.

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang ’yon. Hindi ko tuloy magawang lumingon kay Drei para tingnan ang reaksyon niya.

“Ninong ako,” natatawang sabi naman ni Rocco.

“Ay! Wala na, panalo na nga talaga si Rix,” sabi ni Reid na akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.

“Uwian na may nanalo na,” sabi naman ni Minky at niyakap pa nga si Reid.

“Crazy,” rinig ko pang sabi ni Drei at hinawakan niya na ako sa kamay.

“Galingan ninyo!” sigaw pa sa amin ni Austin at tumawa.

Hindi nalang namin pinansin at pumasok kami sa bahay. Sa kusina kami pumunta.

“Timpla mo muna akong kape, baby, pampalakas ng loob,” sabi niya at binitawan ang kamay ko.

“Wala ka talagang kasawa-sawa sa kape,” mahinang sabi ko at pumunta na sa lalagyan namin ng kape para timplahan siya.

“You’re like my coffee, Sab, hindi ako magsasawa kasi mahal ko,” sabi naman niya.

Natigilan ako saglit dahil do’n pero agad ding binalik ang atensyon sa pagtitimpla ng kape niya.

“Anong sasabihin mo sa akin?” tanong ko nalang. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

“Tapusin mo muna ’yan,” sabi niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

“Alis diyan, bawal ang yakap,” masungit kong sabi sa kaniya.

He chuckles.

Ang gwapo mo naman kahit tumatawa. Sarap mong ibulsang bwisit ka.

“Are you jealous with my fiancée? Hmm?” mahinang tanong niya sa akin.

Ramdam ko ang hininga niya sa bandang leeg ko dahil do’n.

Bahagya akong umiwas sa kaniya. Hindi siya bumitaw sa yakap sa akin pero umayos naman siya ng tayo.

“Bakit ako magseselos?” balik tanong ko sa kaniya.

Hinalo ko na ang kape niya at iniwan do’n para siya na ang kumuha.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon