35

353 35 30
                                    

“Have a seat, Miss Vera.”

Mabilis naman akong pumunta sa upuan at naupo ro’n. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kaniya. Nakatingin lang ako ngayon sa daliri ko.

“Uhm... Anong pag-uusapan?” tanong ko na.

“Us,” sagot niya agad.

Napalunok ako dahil do’n, parang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Parang gagaralgal o pipiyok ako once na magsalita ako.

“But, befor that, let me ask you something,” sabi niya at naglean forward. Nakapatong ang braso niya sa table at nakatingin sa akin.

“Ano?” tanong ko. Mabuti nalang at naging maayos ang pagsasalita ko.

“Who is the father of the kid?” seryosong tanong niya.

I bit my lower lip. Ayokong sa akin maggaling ang sagot dahil hindi pa naman sigurado. Pero si Drei na mismo ang nagtatanong sa akin, makakatanggi ba ako?

“Reiden Domingo,” mahinang sagot ko sa kaniya.

“What?!” gulat pang tanong niya.

“Kitang-kita mo naman sa itsura pa lang nung bata, para silang pinagbiyak na buko,” pairap ko pang sinabi.

Narinig ko ang pagpigil niya ng tawa kaya napatingin ako sa kaniya. Seryoso na ulit ang mukha niya.

“Yeah, I can see that, unang tingin palang naman talaga ay makikita na agad ang pagkakahawig nila ni Reid,” tumatangu-tango niya pang sabi.

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kaniya dahil may multo ng ngiti akong nakikita sa labi niya na tinatakpan niya sa pamamagitan ng paglalaro ng ballpen dito.

“Iyon din ang napansin ko noon pa. Simula nung nagturo ako sa kaniya, habang palaki siya nang palaki, mas nagiging kamukha niya si Reid,” sabi ko naman at iniwas na ang tingin sa kaniya.

“Alam na ba ni Reid ’yan?”

Mabilis akong umiling. Ayaw kong pangunahan, at hindi pa naman sigurado, baka nagkataon lang?

“Hindi pa sila nagkakausap ni Minky tungkol doon,” sagot ko naman.

“Ilang taon ng nagtatrabaho si Angela sa company na ’to, hindi ko alam na may anak pala siya.”

Napatingin ako sa kaniya. Titig na titig din siya sa akin. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niya kaya napapaiwas ako agad.

“She was 16 years old nung nabuntis siya at iniwan ng nakabuntis sa kaniya,” mahinang sabi ko.

“She’s Reid’s ex fling,” sagot naman ni Drei.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sumandal siya muli sa swivel chair niya at tinitigan ako.

“What?”

“Just ask Austin about that, sila ni Reid ang matagal na magkakilala. Kung may nakakakilala sa buong pagkatao ni Reid, si Austin lang ’yon,” seryosong sabi niya.

“Bakit hindi nalang ikaw ang magtanong,” mataray ko na namang sabi sa kaniya.

Uutusan pa ako, pwede namang siya nalang ang magtanong.

“I’m busy, Sab. As you can see I don’t have a secretary, I have so many things to do,” masungit ding sabi niya.

“Bakit kasi wala kang secretary?” tanong ko naman.

“I fired her,” simpleng sagot niya.

Tinuon na ang atensyon sa papeles na nasa harapan niya.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora