06

447 36 20
                                    

"Have a seat," sabi ni Ma'am pagpasok namin. Nauna na akong maupo kay Drei. Akala ko ay sa tapat ko s'ya uupo pero nagulat ako na sa tabi ko s'ya naupo.

"Doon ka." Turo ko pa sa upuang nasa tapat ko.

"Ayoko nga." Sumandal pa siya at inangat ang binti sa hita niya.

"Ako nalang lilipat." Inirapan ko s'ya at lumipat ako pero ang loko lumipat din at ganoon ulit ang ginawang pwesto.

"Para kang bata, Rix," sabi ni Ma'am na natatawa na sa amin.

"Bata naman ako," sabi nitong katabi ko. "Baby ako ni Sab," mahinang sabi niya. Narinig ko 'yon pero umakto akong hindi ko narinig.

"Ma'am, kayo po ba ang nagsabing ako ang kunin na tutor nito?" tanong ko na. Umayos ng upo si Ma'am. Hindi ko pa alam kung anong pangalan n'ya.

"Yes, matalino ka naman at alam kong kaya mong patinuin 'to." Tiningnan pa si Drei. Pati tuloy ako ay napatingin. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"What?" sumalubong ang kilay niya.

"Watawat." Pairap kong iniwas ang tingin ko sa kan'ya.

"Mama mo watawat," panggagaya niya sa tono ko sa tuwing sinasabi ko ang ganoon.

"Matalino naman 'to, Ma'am. Bakit kailangan pa ng tutor?" tanong ko kay Ma'am, hindi na pinansin si Drei.

"May ilang subject siyang nabagsak dahil sa pagbubulakbol niya," seryosong sabi ni Ma'am at sinamaan pa ng tingin si Drei.

"So, maghahabol siya sa mga subject na 'yon?" takang tanong ko. Tumango si Ma'am sa akin.

"Tatlong subject 'yon," pagsingit ni Drei. Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko nalang ginawa. Para saan ang paglingon?

"Wala pa ba kayong schedule?" tanong ni Ma'am na agad kong inilingan.

"Hindi pa kami nagsisimulang magklase, Ma'am. Baka mamaya po o bukas siguro?" pati ako ay hindi sigurado.

"Next week pa ang normal na klase kaya chill muna ang mga studyante ngayon," sabi na naman ni Drei. Hindi ko nalang pinansin ulit.

"Yes, next week pa nga. Pero hindi ibig sabihin no'n ay magpapachill chill lang kayo." Muli ay sinamaan ng tingin ni Ma'am ang pamangkin.

"Yeah whatever." Sarap kutusan nitong lalaking 'to.

"So, kung kukunin ko po ang inaalok ninyong pagtu-tutor dito sa lalaking 'to, tuwing kailan ko s'ya tuturuan?" pagbabalik ko sa topic namin.

"Every vacant time ninyo, pwede ring weekends para hindi masyadong abala sa iyo?" tinaasan pa ako ng kilay na parang nagtatanong sa pamamagitan no'n.

"Hindi ko pa sure kung pwede ako every weekend, Ma'am." Tiningnan ko si Ma'am, alam niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko pwedeng iwan si Mama.

"Ikaw naman ang masusunod kung kailan ka pwede." Ngumiti siya sa akin.

"Eh?" bakit ako? Diba dapat sila ang masusunod?

"Okay na ako every vacant mo, pwede rin namang kapag hindi ka busy sa weekend kahit saglit ay pumunta ka sa amin," sabi ni Drei. Dito na ako napatingin sa kan'ya.

"Matalino ka naman diba? Siguro naman hindi tayo aabutin ng buwan sa pagtuturo ko sa 'yo?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"It depends," nakangising sabi niya. Iba ang pakiramdam ko sa ngising 'yon. Parang may pinaplano.

"So, that's it? Tuwing vacant ninyo na lang, ganoon pa rin naman ang sahod mo, Snop. Kahit saglit mo lang maturuan, ganoon pa rin ang magiging sahod mo." Gusto kong magulat. Bakit parang parte 'to ng plano namin ni Ma'am?

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Where stories live. Discover now