16

329 34 12
                                    

I don’t know what to say. Si Drei? Liligawan ako? Nananaginip ba ako?

“You don’t have to answer it,” nakangiting sabi niya sa akin. Gusto kong makahinga ng maluwag ngayon dahil sa sinabi niya.

“Nahihiya yata si Snop,” malakas na sabi ni  Raya.

“Si Rix lang ’yan,” sabi naman ni Jatyr. “Hindi dapat pinaghihinta ng sagot,” dagdag pa nito kaya nagtawanan na naman ang nasa  table nila.

“I don’t need your answer, Sab. Liligawan pa rin naman kita kahit hindi ka pumayag,” nakangising sabi niya pa sa akin. Napa “woah” na naman tuloy ang mga nasa table nila. “I just wanted to say to that I will gonna court you, para naman aware ka sa mga galawan ko,” natawa pa siya pagkatapos.

“Tama na ’yan, dami pang sinasabi, maraming single rito,” sigaw ni Nicole. Napapailing na natatawa nalang ako sa mga nangyayari.

“Happy Birthday, Sab. Gonna give the gift privately, hmm?” nakataas ang kilay ngunit nakangiting sabi naman niya.

“Thank you, Drei,” nagpipigil ang luhang sabi ko. Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko maipaliwanag ang iba ro’n.

Lumapit siya sa akin. “Smile, baby, be happy always,” bulong niya habang nakahawak sa pisngi ko.

“Hoy! Rix, birthday ’to, hindi proposal mo,” sigaw pa ni Raya. Hindi naman pinansin ni Drei at nanatili siyang nakatitig sa akin.

“Sige na, pumunta ka na ro’n,” natatawang sabi ko. He just smiled at me.

“Later na ’yung gift.” Hinalikan niya ako sa noo na kinagulat ko. Ang sweet no’n para sa akin.

“Thanks again,” muling sabi ko at umalis na siya para bumalik sa table nila. Puro pang-aasar ang natanggap niya pagkarating doon.

“Lastly, Mrs. Elenita Vera.” Mama. Si Mama naman ang magmemessage sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko.

“Anak, Happy Birthday!” bungad na sabi ni Mama. Malaki ang naging ngiti ko sa kaniya. Wala pa man ay nagsisimula ng manggilid ang luha ko.

“Thank you, Ma!”

“Dalaga ka na nga talaga. Maraming salamat sa walang sawang pag-intindi sa akin. Sa pag-aalaga mo sa akin. Pasensya na kung pabigat ang Mama mo,” natawa pa siya pero naiiyak na rin. “Dapat ako ang nag-aalaga sa’yo, dapat ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay, pasensya na, kung pwede ko lang alisin ang sakit kong 'to gagawin ko para hindi ka  na mahirapan,” natigil siya saglit para punasan ang luha. Maging ako ay umiiyak na rin.

“Okay lang ’yon, Ma.”

“Hindi mo dapat nararanasan ang ganito, hindi ko dapat pinaparanas sa’yo. Kapag nawala na ako, alam kong kaya mo na, matatag ka, anak. Malakas ka, alam kong handa kang harapin lahat kung sakali man,” tumutulo ang luha, nakangiti at nakatinging sabi niya sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya para yakapin siya. Tahimik ang paligid namin. Tanging iyak ko lang yata ang maririnig at ang sinasabi ni Mama.

“Mama, huwag ka namang magsalita ng gan’yan, ooperahan ka na next month,” mahinang sabi ko.

Pinunasan niya ang luha ko. “Mahal na mahal kita, anak. Bilib ako sa sarili ko dahil napalaki kita ng tama. Napalaki kita na may tapang na harapin lahat ng pagsubok kahit mag-isa.”

“Maraming salamat, Mama.” Niyakap ko muli s’ya. “Malalampasan natin lahat ng ’to,” dagdag ko pa.

“Maging masaya ka, iyon ang pinakahiling ko. Sa bawat desisyong ginagawa mo gusto ko maging masaya ka. Isipin mo ang sarili mo at huwag puro ang ibang tao. Piliin mo palagi ang sarili mo dahil ikaw lang din ang makakasama mo sa huli, sarili mo lang din.”

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon