10

403 32 23
                                    

Hindi ako matigil katatawa dahil sa ginawa ko kay Minky. Kahit nung pauwi na siya ay natatawa pa rin ako kapag naaalala ko.

“Masamid ka sana sa sarili mong laway.” Inirapan na naman niya ako at sumakay sa kotse nila.

“Ingat kayo,” nakangising bilin ko pa.

“Bwisit ka!” Inirapan niya ulit ako kaya tawa na naman ako nang tawa.

Hinintay kong makaalis sila saka ako pumasok sa loob.

“Lakas talaga ng trip mo,” salubong ni Mama sa akin. Natawa na naman tuloy ako.

“Para namang hindi ka na nasanay sa amin, Ma,” nakangising sabi ko at tumabi sa kan’ya.

“Maiba nga ako, may nagpadala sa akin ng letter.” Kunot ang noong baling ni Mama sa akin.

“Anong klaseng letter?” takang tanong ko naman sa kaniya.

“Sandali, kukuhanin ko sa kwarto,” sabi niya at tumayo para pumunta sa kwarto.

Napaisip naman ako sa pwedeng maging letter sa kaniya. Si Ma’am Beatrice agad ang pumasok sa isip ko.

“Ito, anak.” Inabot niya sa akin ang isang sobre. Hindi naman na ako nag-aksaya ang oras at binuksan ko na ’yon para makita ko.

“Sa ospital ’to,” sabi ko habang titig na titig sa mga nakasulat.

“Oo nga, may nagbigay niyan kanina sa akin, ipapa-opera na raw nila ako sa darating na buwan,” paliwanag ni Mama. “Hindi ko alam kung kanino nanggaling iyan,” dagdag niya pa.

Hindi ako makaimik. Sigurado na talaga ’to. Wala ng atrasan. Maoopera na si Mama.

“Makakapagpa-opera ka na, Mama.” Niyakap ko ng mahigpit si Mama para hindi niya makitang naiiyak na ako.

“Sino naman kaya ang sumagot ng gastusin sa ospital?” takang tanong niya.

“Hindi na importante ’yon, Ma. Ang mahalaga ngayon ay makakapagpa-opera ka na at gagaling ka na,” nakangiting sabi ko pa matapos kumalas sa yakap ko sa kan’ya.

“Salamat naman kung ganoon nga.” Kahit hindi ipakita ni Mama sa akin ang totoo niyang nararamdaman ngayon ay mahahalata pa rin iyon sa mga mata niya.

Nung nagpahinga na si Mama ay nakipag-usap pa ako kay Minky para ibalita ang nangyari. Nakatulugan ko na rin siya dahil sa pagod ko.

“Tita, balita ko maooperahan ka na,” salubong ni Minky pagkarating sa amin.

“Nako! Oo, may nagmagandang loob na sagutin ang pang opera ko sa darating na buwan,” nakangiting sagot ni Mama. Nagkatinginan kami ni Minky.

“Sana ay gumaling na talaga kayo agad, Tita,” iyon lang ang nasabi ni Minky.

“Sana nga,” sabi naman ni Mama.

“Alis na kami, Ma,” paalam ko na dahil tapos naman na akong kumain.

“Mag-iingat kayo,” bilin naman ni Mama. Sabay na kaming humalik ni Minky sa pisngi ni Mama, kabilaan kami kaya naman natawa ito.

“Bye, Tita.”

Naunang sumakay si Minky at sumunod naman ako kaagad.

“Walang quiz, assignments and any task na binigay sa atin diba?” tanong ko agad. Nagsimula ng umandar ang sasakyan.

“Wala naman yata,” sagot niya habang nag-aayos ng sarili.

“Hindi mo rin sure.”

“Wala, hindi naman nagbigay ang mga teacher natin,” sagot niya na.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Where stories live. Discover now