17

306 35 9
                                    

Walang umiimik sa amin ngayon ni Drei. Nanatili kaming dalawa rito sa sala habang si Mama at Ma'am naman ay pumasok sa kwarto.

"Sab," basag niya sa katahimikan. Tumingin lang ako sa kaniya. "You can tell me everything you feel right now," dagdag niya pa.

I smiled. Ang seryoso niya kasi masyado. "Honestly, I feel nothing." Iniwas ko ang tingin ko pagkatapos magsalita.

"I undestand, hindi biro ang mga nalaman mo kaya naiintindihan ko kung ganiyan ka man ngayon."

"Eighteen years, ngayon ko lang nalaman na muntik na akong hindi mag-exist sa mundong ʼto," natawa pa ako ng pagak sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Ang ganda ng mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Iʼm thankful because Tita did the right thing that time, hindi na niya inulit at pinagsisihan na niya," he said and smile a bit.

"Naiintindihan ko naman, pinili ni Mama ang kaligayahan ni Papa kaya niya naisip na ipalaglag ako, na kapag nawala ako ay wala ng responsibilidad si Papa sa kaniya at pwede na silang magsama ni Maʼam."

Napatigil lang ako sa pagsasalita nung biglang lumabas si Maʼam sa kwarto.

"Rix, get your car, ang Tita Elen mo," hindi magkanda-ugagang sabi ni Ma'am. Agad naman kaming napatayo dahil do'n. Mabilis akong pumunta sa kwarto para tingnan si Mama.

"A-anak k-ko," nahihirapan niyang sabi. Mabilis tumulo ang luha ko dahil do'n.

"Mama, sshhhh, kalma ka lang ha, kaya mo ʼyan," pilit kong inaayos ang boses ko. Kitang-kita ko ngayon ang hirap niya sa paghinga. Maging ang sakit ay nakikita ko na rin sa mukha niya dahil sa tuwing hihinga siya ay napapadaing siya.

"Sinabi ko sa kaniyang huwag na piliting sabihin pero matigas ang ulo, Rix, bilisan mo, buhatin ninyo ang tita Elen mo," mabilis na utos ni Maʼam. Ngayon ko lang napansin na narito na rin pala ang ibang mga kaibigan ko.

Mabilis binuhat ni Drei at Zild si Mama para ilabas at isakay sa kotse. Nagmamadali rin akong humabol sa kanila.

"Minky, ikaw na bahala rito ha. " Umiiyak kong niyakap ang kaibigan kong naabutan ko sa labas.

"Yes, please take care. Akong bahala rito, balitaan mo ako," nag-aalalang sabi niya rin sa akin. Tumango ako at mabilis sumakay sa kotse ni Drei.

"Mama," pagkuha ko sa atensyon ni Mama na hirap pa ring huminga.

"Mahal kita," mahinang sabi niya. Tumango ako at pinigilang mapahikbi. Nasasaktan akong makita siyang ganito.

"Mahal din kita palagi," sabi ko at hinalikan siya ng tatlong beses sa noo. Nasa tabi ko lang si Ma'am at nakatahimik. Ganoʼn din naman si Zild at Drei na nasa harapan pero sumusulyap-sulyap dito sa amin.

"Rix, bilisan mo pa ng konti," utos ni Ma'am. Dama ko ang kaba sa tono niya.

Sinunod ni Drei ang utos ni Maʼam. Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na Ospital. Pinagtulungan nila muling buhatin si Mama at pinasok sa loob ng Ospital.

"Mama, kaya mo 'yan ha." Binitawan ko na ang stretcher dahil pinasok na siya. Naiwan kaming apat dito sa labas.

"Kanina habang nasa kwarto kami ay muli na naman niyang binalikan ang mga nangyari noon," sabi ni Ma'am kaya napalingon ako sa kaniya.

"Masama sa kaniya ang sobrang emosyon," nasabi ko nalang kahit alam ko namang alam nila 'yon.

"Sit down, Sab. Ikalma mo rin ang sarili mo," sabi ni Drei pero siya na rin ang kusang nag-upo sa akin. Tinabihan naman niya ako. Nasa kabilang tabi ko si Ma'am at hinawakan ang kamay ko.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Where stories live. Discover now