09

350 33 31
                                    

Mabilis lang natapos ang klase namin. Wala akong naintindihan sa totoo lang. Bukod sa ang dami kong iniisip tungkol sa plano kay Drei, hindi ko rin gusto ang math. Math ang pinakaayaw kong subject kaya hindi na ako magtataka na mababa ang grades ko rito.

“Diretso ka na ba sa amin o uuwi ka muna para magbihis?” tanong ko kay Minky habang naglalakad kami palabas ng school. Maglalakad din kami ngayon pauwi.

“Diretso na ako sa inyo para isang uwi nalang ako mamaya,” sabi naman niya at sa phone nakatutok.

“Baka naman matalisod ka sa ginagawa mong ’yan,” sabi ko at sinilip ko pa kung anong ginagawa, facebook ang inaatupag ng bruha.

“Hawakan mo kasi ako,” sabi pa niya at inilapit sa akin ang braso.

Sarap sana niyang itulak pero hindi naman ako masamang kaibigan kaya hinampas ko nalang s’ya.

“Makautos ka naman,” sabi ko pero sinunod ko naman s’ya. Hinawakan ko s’ya sa braso.

“Gumagawa na akong GC natin,” muling sabi niya na hindi ko nalang pinansin.

Hindi pwedeng maki-usyoso ako sa ginagawa niya dahil naglalakad na kami palabas at maraming studyante baka mabunggo lang kami.

“Friend mo na silang lima?” tanong ko. Si Drei pa lang kasi ang friend ko sa kanilang lima.

“Oo, in-add ko sila kanina at pina-accept ko na rin,” sagot naman niya.

“Si Drei pa lang friend ko sa kanila.” Bahagya kong hinatak si Minky dahil may makakasalubong siya.

“Baka i-add ka na rin nung apat,” muling sabi niya at tinago na ang phone. Taka ko s’yang tiningnan dahil do’n. “Mamaya naman kapag nasa bahay na tayo.” Mukhang nabasa niya ang pagtataka ko.

“Chicken skin tayo,” pag-aaya ko. Nakakita ako ng nagtitinda ng street foods.

“Tara, gutom na naman ako, e.” Mabilis kaming pumunta sa nagtitinda. Parang nagpuso ang mata ko sa rami ng street foods.

“Libre mo ako?” hindi na ako nahihiyang sabihin sa kan’ya ’yan. May pera naman ako, hindi naman laging umaasa kay Minky.

“Oo na, sige kumuha ka kahit ilan,” sabi niya habang abala sa pagkuha ng kan’ya. Nagningning naman ang mata ko at kumuha na rin ng sa akin.

“Sarap talaga kapag may kaibigan kang mapera,” birong sabi ko.

“Pasalamat ka kaibigan mo ako,” sabi naman niya na may subo pang balat. “Hindi nga lang ako mapera,” dagdag niya pang sabi. Ito na naman siya sa pagiging humble niya.

“Hindi ka pa mapera sa lagay na ’yan? Halos ikaw na gumastos sa debut ko,” sabi ko habang ngumunguya. Sarap kumain sobra.

“Kuya, bayad namin. Salamat po!” hinintay naming ibigay ang sukli. “Tara na, baka naghihintay na sila sa GC natin,” sabi niya at naglakad na kaya sumunod na rin ako.

“Sa amin ka ba maghahapunan?” tanong ko habang humihigop ng suka.

The best talaga kapag street foods, sulit na sulit dahil ang sarap.

“Hindi ko pa sure, depende kung matagal ang mapag-uusapan nating plano sa birthday mo,” sagot naman niya.

“Magcommute na kaya tayo? KKB na sa pamasahe,” suggest ko naman para mas mapabilis ang uwi namin.

“Tara, sagot ko na pamasahe mo,” sabi niya at pumara na ng isang tricycle. Mabilis kaming sumakay nung lumapit sa amin.

“Iba talaga kapag may kaibigang galante,” natatawang sabi ko, inaasar ko s’ya.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora