36

336 34 27
                                    

Start na ng work ko kay Drei.

After nung nangyari kahapon ay iniwan ko na siya. Naabutan ko pa sa bahay sila Reid at maging si Minky. Nag-usap na yata sila at nagkasundo sa mga dapat gawin.

Tinatamad akong kumilos ngayon. Sakto kasing meron ako. Hindi naman pwedeng umabsent ako agad, kakastart ko palang.

“Good morning,” bati ni Angela sa akin paglabas ko.

Nakagayak na ako. Naka cropped top sando ako, hindi siya daring, color black and pink. Pinartner ko ang pants kong sobrang luwang, tanging sa bewang lang tama ang sukat, style ’yon.

“Good morning,” bati ko rin at naupo na sa hapag, may nakahanda na akong almusal.

“Where’s Ali?” tanong ko nung mapansin kong wala siya.

“Nasa Papa niya,” sagot naman ni Angela.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko mahanapan ng kahit anong emosyon ang mukha niya ngayon kaya hindi ko malaman kung anong nararamdaman niya.

“Kumusta pag-uusap ninyo?” tanong ko habang kumakain na.

“Maayos naman, sagot niya ang pag-aaral ni Aliyah at sa kaniya rin daw isusunod ang apelyido ni Aliyah,” sagot niya naman at tumingin sa akin.

“Payag ka naman sa gano’n?” tanong ko. Tumango siya.

“May karapatan naman si Reiden sa anak niya, hindi ko naman ipagkakait ’yon, hindi rin ako galit dahil iniwan niya ako noon, naiintindihan ko siya,” sabi niya pa at ngumiti sa akin.

Bakit sobrang swerte ni Reid? Dalawang babae ang handang umintindi sa kaniya. Sa kabila ng pagiging babaero niya no’n, bakit siya nabigyan ng ganito?

“So, naaalala mo na ang nangyari noon? Kilala mo na si Reid?” tanong ko at sumubo na ulit.

“Yes, hindi naman pala sobrang laki ng pinagbago niya, medyo nagmatured pero ganoon pa rin naman ang itsura niya.”

Tumango nalang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

“Wala naman akong balak na panagutin si Reiden, sila ni Minky at nirerespeto ko ’yon, wala akong balak sumira ng relasyon.”

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong sinabing sisirain niya ang relasyon nung dalawa.

“Wala namang nagsasabing maninira ka, Angela,” sabi ko habang ngumunguya.

She smile a bit. “Wala nga ba? Pakiramdam ko kasi ay ganoon na ang magiging tingin sa akin ng mga kaibigan mo, Snop.”

Mas nagsalubong ang kilay ko dahil do’n. Hindi gano’n ang mga kaibigan ko. Hindi sila mapanghusga.

“No, don’t think like that, mababait sila, hindi ka nila huhusgahan,” sabi ko naman.

“Salamat,” sabi niya naman na tinanguan ko lang. “Nagkausap na ba kayo ni Sir?”

Ang kaninang malungkot niyang aura ay napalitan na ngayon ng mapang-asar. Nakangisi na siyang nakatingin sa akin.

“Yes, nag-apply akong secretary niya, start ko na nga ngayon, e,” sabi ko naman.

Tapos na akong kumain kaya niligpit ko na ang kinainan ko. Si Angela na ang bahalang maghugas no’n dahil nakapang alis na ako, baka madumihan o mabasa pa ako.

“Trabaho lang ba talaga?” nakangising tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinasabi niya maging sa mapag-asar niyang tono.

“Oo naman,” seryosong sagot ko nama  sa kan’ya. “Speaking of trabaho. Ikaw ang na-hire ni Drei na magbabantay sa akin noon?”

Umiwas siya ng tingin sa akin. Sa ginawa niyang ’yon ay nakuha ko na agad ang sagot.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Where stories live. Discover now