18

294 31 8
                                    

Nakarating kami sa bahay at mabilis akong sinalubong ng yakap ni Minky. Umiiyak siya, gano’n din naman ako. Nanatili namang nakatingin sa amin ang iba.

“Anong nangyari?” tanong niya. Inakay pa  niya ako para makapasok sa loob.

“Hindi siya na-operahan kanina kasi ayaw niya. Minky, may 5% pa, e. May chance pa kahit konti diba, bakit sumuko si Mama?” nagsimula na naman akong magbreak down.

Lumapit sa akin si Minky at niyakap muli ako. Hagulgol ko ang nangingibawbaw ngayon.

“Baka nahihirapan na rin si Tita,” sabi niya pa.

“Ang daya naman kasi,” nagpapadyak pa ako na parang bata.

Si Mama nalang ang meron ako. Si Mama ang pinagkukunan ko ng lakas. Bakit naman kinuha pa sa akin? Bakit naman ang bilis nawala?

“Calm down, Sab,” sabi ni Drei sa akin at inabutan ako ng bottled water. Hindi ko alam kung saan kinuha at hindi ko na rin inalam pa.

“Magpahinga na kayo, Minky, anong oras na rin kasi,” sabi naman ni Reid. Ibang-iba sa Reid na madalas kong nakakasama ang aura niya ngayon.

“Yes, mabuti pa nga,” sabi ni Minky at bumaling  sa akin. “Let’s go,” aya niya. Hindi na ako pumalag pa.

Tumango nalang ako sa lima. Huli kong tiningnan si Drei na seryosong nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti.

“Gonna give the gift tomorrow, Sab, have a good night, sleeptight.”

Tumango lang ulit ako at bahagyang ngumiti. Pumasok na ako sa kwarto ni Mama, kasama ko si Minky.

“Ano bang eksaktong nangyari?” tanong niya pagkasara ng pinto. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magkwento sa kaniya.

“Magkakilala si Ma’am at si Mama. Matagal na silang magbestfriend, kanina lang ulit sila nagkita at may sinabi si Mama sa akin,” muli akong napabuntong-hininga para pigilan ang pag-iyak.

“Anong sabi ni Tita?”

“Binalak niya akong ipalaglag noon dahil si Papa at si Ma’am ay nagmamahalan daw, parang naisip ni Mama na kaya lang siya pakakasalan ni Papa ay dahil sa akin, dahil buntis si Mama sa akin noon.”

Nanlaki ang mga mata niya at napanganga sa nalaman. Kahit ako rin naman ay nagulat nung nalaman ko.

“Paanong nangyari ’yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Minky.

“They’re bestfriend, iisang lalaki ang minahal nila, si Mama ay handang magpa-ubaya pero namatay si Papa dahil inatake raw noong nalamang muntik na akong mawala, nakunan din si Ma’am noon kaya sinisisi ni Mama ang sarili niya pero mas nanaig ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.”

“Wow, hindi ko akalaing ganito kalalim pala ang nakaraan ninyo,” sabi niya pa.

“Matagal na rin akong kilala ni Drei. Hindi sa mukha o pangalan pero sa mga naranasan ko. Sa kaniya nagsasabi si Ma’am noon tungkol sa mga nangyayari sa amin ni Mama,” dagdag kwento ko pa.

“So, una palang talaga ay kilala ka na ni Ma’am kaya ka niya tinutulungan, kayo ni Tita,” sabi niya pa na tinangunan ko naman.

“Para na niyang kapatid si Mama kaya hindi niya raw kayang nakikitang nahihirapan si Mama, kaya kahit patago ay tinulungan niya kami.” Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

“Grabe ’tong mga nalaman ko ha,” gulat pa ring sabi niya.

Nilibot ko nalang ang paningin ko sa kwarto ni Mama. Malinis at nakaayos lahat ng gamit. Nanggilid na naman ang luha ko pero iniwasan kong maiyak.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Where stories live. Discover now