25

340 31 6
                                    

Nandito na kami ngayon sa 7/11. As usual ang gulo ng dalawa. Sino pa ba? Si Reid at Austin lang naman.

“Ito nalang kasi para marami,” sabi ni Austin na hawak ang isang chichiryang malaki.

“Ito nga kasi, mas masarap,” sabi naman ni Reid.

Bukod sa amin ay may iilan pang bumibili rito ngayon. Bahagya akong lumipat ng pwesto dahil nakakahiya silang kasama ang ingay nila.

“You can have both, pinag-aawayan pa ninyo,” sabi naman ni Zild. Mukhang hindi na nakapagpigil kaya sinabihan na ang dalawa.

“What do you want, Sab?” tanong naman nitong kasama ko.

Nandito kami ngayon sa drinks. Balak ko lang kumuha ng coke or pepsi.

“Rosé!” tuwang-tuwang sabi ko pagkakita ko ng pepsi in can na may mukha ni Rosé ng blackpink.

“You like Rosé, too?” tanong niya, mabilis naman akong tumango.

“I love Rosé,” sagot ko naman. Kumuha ako ng isang in can na pepsi at isang bottled dahil meron ding picture ni Rosé ’yon.

“We’re same, I love her, too,” nakangiting sabi naman ni Drei.

Kumuha rin siya ng sa kaniya. Kumuha pa kami ng ibang pwedeng kainin namin para mamaya. Ang ingay pa rin nung dalawa kahit nasa counter na kami.

“Rix, can I borrow Isabel for a while?” parehas kaming napatingin kay Zild.

“Okay,” sagot ni Drei at tumingin pa sa akin.

“Sa labas tayo, Isabel,” pag-aaya ni Zild sa akin kaya tumango nalang ako at sumunod sa kaniya nang magsimula siyang maglakad.

“Anong atin, Zild?” tanong ko pagkalabas namin. Pumwesto kami sa medyo madilim na parte ng daan.

“Let’s talk about your plan,” sabi niya at nakapamulsa pang bumaling sa akin.

“I ended that plan simula nung namatay si Mama,” mahinang sabi ko naman.

“I know, kita ko rin namang totoo lahat ng pinapakita mo sa kaniya, sa amin,” sabi niya at bahagyang lumingon sa 7/11. Nakita ko rin na nakatingin sa amin si Drei mula sa loob no’n.

“Paano mo nalaman ’yung plano?” tanong ko sa kaniya, iniwasan na ang tingin ni Drei.

“I accidentally read the notes on your notebook.”

Nangunot ang noo ko. Paano niya  nabasa? Laging nasa bag ko ang notebook ko.

“Paano?”

“Naiwan mo sa table mo that time, I don’t know but I have this feeling na dapat kong tingnan or itago ’yon, muntik na makita ni Rix ’yon.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung nagkataon pala ay matagal ng alam ni Drei ang plano.

“Kailan ’yan? Bakit wala akong matandaang naiwan ko ang gamit ko sa table?”

“Nung bagu-bago palang ang plano ninyo. And alam ko na agad na para kay Rix ’yon, ang bilis ninyong maging close kahit ang unang encounter ninyo ay sobrang hindi maganda,” he shrugged after he said those words.

“Pero tinigil ko na, hindi naman natuloy diba, hindi ko naman siya nasaktan,” mahinang sabi ko.

“Yes, at huwag mo na balaking ituloy pa dahil napamahal ka na sa amin, Isabel. Kung naiintindihan kita sa pinlano ninyo, ibahin mo ang mga kaibigan natin, lalo na si Rix na mismong gagawaan mo no’n.”

I just nod at him. Now I know, buti nalang pala at hindi ko ginawa na. Mabuti nalang tinigil ko na hangga’t maaga pa.

“Maybe they can understand, pero hindi katulad ng pagkakaintindi ko sa’yo,”dagdag niya pang sabi.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Where stories live. Discover now