5: Moving Forward

Start from the beginning
                                    

Isang buwan pagkatapos ng ika-walong taong kaarawan ng kambal, isang napakasamang balita ang bumago sa takbo ng buhay ng buong mag-anak.

Namatay sa isang engkwentro si Victor. Naging biyuda si Eliza at naging ulila sa ama ang kambal sa napakamurang edad.

Dahil sa pangyayaring iyon, at para narin mabilis na makalimutan ang sakit ng pagkawala ng asawa, napagdesisyunan ni Eliza na iwan ang bayan kung saan sila unang namuhay. Gamit ang perang pinagbilhan niya ng kanilang bahay pati ng kanilang mga kasangkapan, lumuwas silang tatlo ng Negros. Ang probinsiya ng ama ni Eliza.

Dahil matagal naring patay ang sarili niyang mga magulang, bago umalis sa dati nilang tirahan tumawag muna si Eliza sa nag-iisang kapatid ng kanyang ama, ang kanyang tiya Rosa.

Nagbakasakali kasi siyang matutulungan siya nito sa plano niyang pag-uwi sa probinsiya. Baka sakali naring maipasok siya nito sa pinapasukan nitong mayamang pamilya. Ngunit nalaman niyang matagal na pala itong retirado. Dahil sa edad nito, pinatigil na ito ng kanyang amo sa pagtatrabaho at kasalukuyan ng nakatira sa isang bayan na malayo sa dati nitong pinagtatrabahuhan.

Ganoon man ang nangyari, laking pasasalamat parin ni Eliza sa kanyang tiyahin dahil tinulungan parin siya nitong nakapasok bilang kasambahay sa dating pinagtrabahuhang mayamang pamilya. Ang pamilya Villarama.

Naging mabuti naman sa kanya ang mag-asawang Felipe at Evelyn Villarama. Pinayagan pa nga siya at tinulungang makapagpatayo ng isang maliit na bahay sa isang parte ng malawak na lupaing pag-aari ng mga ito.

Ang perang nakuha niya ng mamatay ang asawang sundalo ay siyang ginamit ni Eliza para maipagpatuloy ang pagpapagamot sa anak na may sakit. Kahit papaano nakakaraos din naman silang mag-iina. Masipag din kasi si Eliza, kung wala itong trabaho sa malaking bahay, tumutulong ito sa ibang mga manggagawa sa mga gawain sa farm ng mga Villarama. Pati nga si Alyssa ay tumutulong sa kanyang ina basta wala lang itong pasok sa paaralan.

Ang kasipagang iyon ni Alyssa ay siyang labis na nagustuhan ng mag-asawang Villarama. Kahit mahigit isang buwan pa lamang silang nagtatrabaho doon sa pamilya, kapunapuna nang gusto at magaan ang loob ng mga ito sa mag-iina lalong lalo na kay Alyssa.

"Nay, sinabi po ni senior Felipe sa akin na kung gusto ko daw pong mag-aral hanggang sa kolehiyo ay tutulungan po nila ako." Pag-iiba nalang ni Alyssa sa takbo ng usapan.

Kahit kasi anong pagbabawal ang gawin ng ina sa kapatid. Igigiit at igigiit parin nito ang sariling kagustuhan, at sa huli para hindi narin magdamdam ang anak pinababayaan nalang din ito ni Eliza na gawin ang sarili nitong kagustuhan.

Biglang napataas ng tingin si Alyja at nakangiting tinitigan ang kapatid

"Magandang uportunidad iyon Alyssa, huwag mo ng palampasin pa." Sinsero nitong wika.

Iyon ang isa sa pinagpapasalamat ni Eliza sa dalawa niyang mga anak. Oo, hindi sa lahat ng oras magkasundo ang mga ito pero sa mga pagkakataong tulad nito nakikita niyang suportado ni Alyja si Alyssa sa pag-abot ng sarili nitong mga pangarap. At masaya siya doon. Imbes kasi na maingngit ito sa mga uportunidad na dumarating sa kapatid, masaya at excited pa ito para dito.

Marahil sa batang isip nito tanggap na nitong sa kanilang dalawang magkapatid mas malaki ang posibilidad na maging matagumpay si Alyssa dahil, ito ay ang mas may kakayahan para tapusin ang pag-aaral kompara sa kanyang may iniindang karamdaman.

"Nabanggit na iyan ni seniora Evelyn sa akin kahapon anak. Ikaw ano ba ang gusto mo?" Tinitigan niya ng diretso ang kanyang panganay.

"Ah eh kayo po ang iniisip ko nay. Kasi kung sakali pong mag-aral ako hindi na po ako makakatulong sa inyo at malalayo narin po ako kay Alyja, sa kadahilanang sa bayan napo ako papag-aralin ni senior. Saka po maiiwan po siyang mag-isa dito habang kayo po ay nasa trabaho." May kalungkutan sa tinig na sabi ni Alyssa. Tinitigan din niya ang kapatid na tuluyan ng itinigil ang pagkain.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now