Natawa naman ako sa 'good luck' ni manang, parang bagets na bagets ang feeling. Pero somehow, it gave me the courage to talk to Kayla.

Hindi pwedeng manahimik nalang siya sa kung anong problema niya sa amin. It'll be her choice if she will still be our friend or she will forever choose to be a loner herself.

I knock three times on her door.

O_____O ---- -___-

"What are you doing here?" -Siya

"Oh my god...!"

Punung-puno ng sugat at pasa ang katawan niya at ang labi niya may malaking sugat din.

Lagot talaga sa akin ang may gawa nito! Lintik lang ang walang ganti.. president ng SC ito!!

>_<

****

It hurts. It really, really hurts. Pero ayokong sumigaw at umiyak.. gusto ko nalang sarilinin ang sakit at hapdi na nararamdaman ko. Kahit si Leira na kanina pa ako tinatanong ng samu't-saring tanong ay hindi ko pinapansin.

Actually, naaasar na ako sa kanya dahil sa mga tanong niya parang lalong sumasakit ang mga sugat at pasa ko.

Suddenly, I heard a soft knock on my door. Agad-agad naman akong tumayo sa kama ko at ininda ko nalang yung masakit sa tagiliran ko. I opened the door and I got shocked but I composed myself para hindi nila makita na nagulat ako. "What are you doing here?"

Pero parang hindi nila ako narinig at gulat na gulat din silang nakatingin sa mukha ko, sa sugat at pasa ko. Especially her.. pero ano naman sa kanya kung masaktan ako? I thought she'll be the happiest when she sees me like this. Ayaw niya sa akin di ba?

"Hindi mo ba kami papapasukin?" Napatingin ako sa nagsalita at biglang parang gustong tumulo ng mga luha ko.. and I did. I broke into tears all of a sudden.. hindi ko napigilan ang sarili kong luha. I know what I look like at the moment.. I look helpless. Pathetically helpless.

I feel a comforting hugged from someone, when I look, it is her... my best friend... Umiiyak din siya at nakikita ko yung pag-aalala sa mukha niya.

"Humanda talaga sa akin ang mga bitches na yun! Grrr..." Paulit-ulit niya yan sinasabi. I smiled a bit. Atleast gumagaan ang loob ko.

Maya-maya lang ay kalmado na rin kami. And awkward. Hindi ko kilala yung dalawang babaeng kasama nila pero parang familiar sila sa akin. I looked at Mami when she gets our attention.. my attention, specifically.

"Sorry... I don't know kung anong nagawa ko sayo para layuan mo ako. Kaya nagso-sorry na ako kung may nagawa man akong kasalanan sayo o may nasabi akong hindi mo nagustuhan.. Sorry.." She said.

Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba yung narinig ko?

"Sabihin mo, Kayla." Pinigilan kong mapalingon kay Leira. I think I need to reconsider the things she said about her being a mind reader.

Tumikhim ako. "Nung last week... nasa CR ako. Palabas na sana ako non sa isa sa mga cubicle pero narinig kita." Binigyan ko siya ng tingin. "Narinig kong binanggit mo ang pangalan ko.. tapos... yung sunod mong sinabi... 'Ayoko sa kanya...' Tapos nawala ka na nun."

Matagal siyang hindi nagsasalita. Tila nag-iisip siya kung saan at kailan niya sinabi yun hanggang sa unti-unting nanlalaki ang mga mata niya at mukhang naalala niya na. Kaso nagulat ako dahil natawa siya.. pati yung isang babae na naka ponytail at mukhang hilig niya ata ang pink.

I look weirdly at her. "Anong nakakatawa naman sa sinabi ko?" I asked. A bit irritated.

Napansin niya ata yun kaya tumikhim siya. "Bakit hindi mo man lang ako tinanong kung ganun nga? Haay naku. Marami talagang namamatay sa maling akala." She looked at the girl. "Yung narinig mong yun, magkausap kami ni strawberry, na friend ko.. tinanong ka nila sa akin at yun ngang sinabi mo ang sinabi ko... kaso hindi mo natapos marinig yung iba kasi lumabas na ako ng CR. So I'll say it to you.. ang sabi ko, ayoko sa yo.... nung una. Aba, pagsabihan mo ba naman akong bata. Ang diyosang ito? Bata? Siyempre first impression lasts ang motto ko nung nag-meet tayo tapos insulto sa akin yung nasabi mo kaya siyempre nung una, i hated you. Pero as I get to know you nitong mga nakaraang araw na magkasama tayo.. I felt like we're real sisters. Parang ikaw yung sister na wala ako. You were so familiar to me that's why I love you!"

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now