4: First Heartache

Start from the beginning
                                    

Bukod sa hindi maipaliwanag na kalungkutan, litong lito narin ang batang puso ni Alyssa. Hindi din niya mawari bakit ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa bata, at kahapon nga nang siya'y pauwi na, pati kagabi, bago niya ipikit ang kanyang mga mata ang imahe parin ng batang babae ang laman ng kanyang gunita?

Maari kayang nakakaramdam siya ng paghanga para sa batang iyon ng hindi niya namamalayan? Paano mangyayari iyon gayong kahapon niya lang ito nakita? Isa pa, masyado pa siyang bata para sa bagay na iyon, pero ang mas pinagtataka niya ay kung bakit sa kapwa babae siya nakaramdam ng ganoon?

Bumuntong hininga siya para pigilin ang sariling mag-isip pa ng kung anu ano. Hindi iyon makatutulong sa kanya.

Pagkaraan ng ilang minuto, kumuha siya ng maliit na piraso ng papel at nagsimulang magsulat.

"Ikaw ang patunay na totoo ang araw na iyon."
May 9, 2002.

Iyon ang mga katagang nakasulat sa papel. Kinuha niya ang bulaklak at binalot iyon sa naturang papel, tinupi ng buong ingat, at saka inipit sa pahina ng aklat.

Kasabay ng pagsara ni Alyssa sa pahina ng librong iyon ay ang pagbaon narin niya sa alalaala ng masungit, ngunit napakagandang batang kanyang nakita sa may kapatagan.
××××××××××

"Dad, Mom, pwede po ba akong bumalik doon sa kapatagan pagkatapos ng breakfast?" Nag-aalangang ibinaba ni Dennise ang hawak na kubyertos at binalingan ang ama't ina.

Binigyan ni Jaime ng mapanuring tingin ang anak.

"Ano naman ang gagawin mo doon ng ganito kaaga?" Tanong pa niya sa anak.

"Oo nga naman Dennise, ang aga aga pa nito para pumunta ka roon." Sabi naman ng kanyang ina.

"Mangunguha lang po ako uli ng mga bulaklak doon Dad." Medyo kinakabahan siya. Tinitigan niya ang kanyang tito Rafael. Humingi siya ng saklolo dito.

Kahapon kasi, sinabihan nito ang kanyang ama na payagan siya kung sakaling magpaalam uli siyang pupunta sa patag.

"Jaime payagan mo nalang ang bata, hindi naman iyan mapapano sa pagpunta roon. Jia, samahan mo kaya ang iyong pinsan doon sa pagpunta niya sa patag?" Nagpasalamat siya at iyon nga ang ginawa ng kanyang tito Rafael.

"Gusto ko po sanang samahan si ate Dennise pero napag-usapan na namin kagabi ni Bea na pupunta kami sa rancho." Paliwanag naman ng nakatatandang anak nila Rafael at Juliana.

"Tama po si ate Jia tito. May usapan na po kaming dalawa kagabi." Sang-ayon naman ni Bea.

"Dad, ako nalang po ang sasama kay ate Den! Wala naman po akong gagawin." Excited na turan ng anim na taong gulang na si Gabby.

"Hindi ka pwedeng sumama Gab hijo, nakalimutan mo bang ngayong umaga ang appointment natin sa iyong dentist?" Medyo malungkot na tumingin si Juliana sa anak.

Nagbaba nalang ng tingin ang bata at bumulong ng paumanhin sa kanyang ate Dennise.

Ngumiti dito si Dennise at sinabing okay lang iyon. Marahil sa susunod na pagkakataon maari ng sumama si Gabriel.

"Please Dad, mag-iingat naman po ako. Plus, babalik po ako after an hour." Pamimilit pa niya sa ama.

Hindi niya kayang isipin na hindi siya nakakasipot sa pinag-usapan nila ng batang may maraming dimples sa mukha.

Ilang minutong hindi umimik ang kanyang ama.

"Payagan mo nalang siya Jaime." Narinig nilang sabi ng kung sinong paparating.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now