" Tingin mo matitiis ko ang ganitong sitwasyon? Dali na! Tumawag ka ng taxi."

Nandito na kami sa bahay. Ano ba naman ang laban ko sa nanay ko. Buti nalang nurse siya kaya alam niya kung paano lapatan ng paunang lunas ang lalaking 'to. Grabe lang ang dedication ni Mom sa kanyang trabaho. Kahit wala siya sa hospital basta may nakita siyang injured person kung saan man siya magpunta ay talagang tinutulungan n'ya. Kaya 'di na ko magtataka kung isang araw ay may bigla nalang may magsabit ng medalya sa kanya kahit sa daan.

"He's fine. He needs to rest . So anak pang-night shift ako ngayon, Paano ba 'yan?"

Napakunot na naman ang noo ko. Oo nga pala nalipat na siya sa night shift noong nakaraang linggo pa.

"No way Mom ! Iiwan mo 'ko mag isa kasama nitong lalaking 'to?" sabay turo ko sa mayabang na 'yon.

" OA mo anak! 'di ka na naawa. Pinabayaan mo na nga siya kanina sa daan. Tingin mo magagawan ka n'ya ng masama ng ganyan ang kalagayan n'ya? Trust me walang gagawin 'yan sayo."

" Paano mo nasabi Mom ? Parang matagal mo na siya kilala ah."

Sabay ngiti niya sa akin "Naalala mo ba 'yong sinabi ko sayo?" tanong niya.

Napaisip ako, ang dami n'yang sinasabi sakin lagi, hindi ko alam kung anong tinutukoy n'ya. Ano ba 'yon? Baka pag 'di ako agad nakasagot magalit na naman siya at sabihing 'di ko tinatandaan ang mga bilin n'ya.

" Sabi mo gusto mo din maging nurse 'di ba?" napatingin ako kay Mom at tumango. " Kung gusto mo maging nurse dapat hindi ka namimili nang tutulungan. Kahit na anong klase pa ang pagkatao n'ya kahit kilala mo o hindi dapat tutulungan mo padin." tumayo na siya at tinapik tapik ako sa likod.

'Yon nga ang madalas n'yang sabihin sakin kapag napag uusapan namin ang trabaho n'ya.

" Trust me. Take care of him, okay? Linisin mo na rin 'yong ibang sugat n'ya and take your medicine."

After that, umalis na siya. Nakonsyensya naman ako sa ginawa ko kanina . Paano pala kung talagang iniwan ko ang lalaking 'to doon kanina?

"Chuchi 'wag ka nga tahol ng tahol baka magising! Hmm. Siguro nakipagsapakan 'to kanina kaya ang daming bangas nitong si kuya."

Nakahiga siya ngayon sa sofa at mahimbing padin na natutulog. Lumapit ako sa kanya at umupo sa mababang upuan para linisin ang iba n'yang sugat. Amoy na amoy ko ang alak at ang pabango n'ya. Napakamot ako sa ulo nang maisip kong kailangan ko tanggalin ang leather jacket n'ya para malinis ng mabuti ang ibang sugat.

"Subukan lang nito gumawa ng kalokohan dito dadagdagan 'ko mga pasa nito."

Kaso baka magising siya kapag hinubad ko ang jacket n'ya. Nag aalangan pa ako nung hawakan ko ang braso n'ya. Bakit pakiramdam ko e naiilang ako. Siguro dahil napaka weird ng sitwasyon ko ngayon. May kasama lang naman akong estranghero dito sa bahay na halos maubusan na ng dugo kanina at puro bangas ang mukha.

"Argh, ang bigat." Grabe ang bigat n'ya talaga.

Sinusubukan ko siyang itagilid para mahubad ang jacket n'ya kaso napakabigat n'yang lalaki. Hindi ko alam kung may invisible bang malaking bato na nakapatong sa kanya o kung sinasadya n'yang hindi ko talaga siya maitagilid. Natatakot naman ako na pwersahin siya dahil baka magising bigla at mapuruhan ko ang mga sugat n'ya.

Mamaya sapakin ako nito pag nagising siya bigla.

"Ah alam ko na." Agad akong tumayo at binuksan ang drawer para kunin ang kailangan ko at tsaka 'ko bumalik sa pwesto. Siguro naman hindi ko siya maiistorbo sa ginagawa kong 'to.

"O 'di ba! Okay na." pagkatapos ay inilapag ko na ang gunting sa mesa. Ang galing ko talaga, 'di ko na siya naistorbo e 'di pa ako napagod. Ginunting ko lang naman ang leather jacket n'ya. Tutal medyo may punit din ang jacket n'ya siguro dahil sa pakikipag-away. Ayan, okay na.

When GANGSTERS meet the SADISTOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz