"iniiwasan kita kasi.. nagtatampo ako sa'yo." sagot niya. Eh? nagtatampo? :/

"bakit ka naman nagtatampo sa'kin?" tanong ko sa kanya. hindi ko nga alam na nagtatampo na pala siya sa'kin. kasi ang alam ko, wala kaming pinagtalunan at wala kaming problema.

"sabi mo hindi mo ako miss." sagot niya sa dahilan na nabigla ako.

"ha?! kelan ko sinabi yan?!" malakas kong tanong sa kanya.

"sabi mo sa chat. kakatampo yun kahit ang babaw." sabi niya tapos bumusangot pa siya. nyaaaahhhhhh! ang cute niya talaga! ><

tsaka chat? may sinabi ba akong ganon? na hindi ko siya miss?

ah oo! i remember na! yung about sa kasalanan niyang napaiyak niya si mace kaya hindi ko siya namiss. >< joke lang naman yun! naniwala na siya kaagad doon?

"naniwala ka naman doon?! biro ko lang naman yun!" angal ko sa kanya. maingay na kung maingay, eh sobra akong magtampuhin na tao. i can't control my emotions anymore.

"syempre. hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung sinabi mong hindi moko miss. kaya iniwasan kita kung totoo bang hindi mo talaga ako miss." sabi niya. luh, tignan mo 'to. siya na nga yung iniwasan ako ng halos isang araw tapos siya pa yung may ganang magtampo?

sa isang biro lang na hindi ko siya miss? -.-

"joke lang nga! eto naman! masyado mo naman sineryoso. sa tingin mo ba hindi kita mamimiss?" tanong ko sa kanya. "tsaka iniwasan mo lang ako dahil doon lang?"

"babe.. hehehehe." sabi niyang natatawa. "sa totoo yan, hindi naman talaga ako yung sobrang nagtampo. tsaka kaya kita iniiwasan, ang purpose ko nun para asarin kita. hehehehe." dagdag niya.

"asarin? saan?" tanong ko sa kanya.

"asarin sa sinasabi mong hindi mo'ko miss. kaya nga tinest kita kung totoo ngang di moko miss. ang ending naman pala di moko kayang mawala. ayyieeeeee." asar niya pa sa akin. bwiset talaga 'to.

akala ko kung ano na. hindi niya ba alam sa pang-aasar niyang yan eh halos mawalan ako ng gana mag-aral at makipag-usap kanina.

hinampas ko siya ng mahina, "ang dami mong alam! oo na!" saway ko sa kanya. "joke lang nga yun. namiss naman talaga kita! tsaka napikon na talaga ako kasi hindi ka nagrereply sa mga chats ko! nag-aalala na ako kanina pa. tapos bwisit ka, iniwasan moko para lang pala na asarin mo ako."

tapos ang lawak na naman ng ngiti niya dito. promise parang natutuwa pa talaga siya, "sorry na babe. hindi ko na talaga uulitin yun. alam ko naman na chinachat moko tapos gusto nga kitang replyan pero no.. HAHAHA. tsaka hindi ko din kaya na di ka makita kaya patago kitang sinusundan. hehehe."

"hindi kita napansin. pero okay na yun. basta wag mo na yun ulitin. medyo nagtatampo pa din ako sa'yo." sabi ko at inayos ko na yung mukha ko.

"yes babe. hahahaha! promise yan. nagmukha din akong tanga sa kalokohan ko kasi joke mo lang pala yun." natatawang sambit niya at medyo lumapit siya sa harapan ko at inayos niya yung buhok ko.

ningitian niya ako, "ano ba naiisip mo babe nung iniiwasan kita?"

ningitian ko siya, "syempre.. hindi ko maiwasan na mag-alala. una sa lahat.. baka bumalik ka naman sa dati. nawawala ka naman para sa iba." sabi ko sa kanya.

"akala ko nga niloloko mo naman ako."

walang may nagsalita sa amin pero huminga siya ng malalim, "naisip mo yun?" tanong niya at tumango lang naman ako.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now